Anghel Ba o Kaluluwa ko?(FBstories)

517 20 2
                                    


"Anghel ba Oh kaluluwa ko?

Bata pa lang ako marami na ako aksidente na nangyari sa buhay ko. At tuwing ma aaksidente ako lagi ako nakakakita ng puting tao walang mukha na alam ko katawan ko. Ito ay lumalapit sakin kung san ako maaaksidente. Unang aksidente nung Boy Scout Jamboree. Kumapit ako sa lubid mga 9 feet ang taas at mga kaklase ko dinuyan duyan ang lubid at pag bitaw ko sa lubid tumalsik ako as in tambling talaga ako na Una ulo sa pag bunggo at akala ko Patay na ako kasi unang tumama sa pader ay ang ulo ko. May nakita akong puting tao na walang mukha na sumandal sa pader habang nasa ere ako sa pag talsik. At parang ako yung tao na yun. At yun nga walang nangyari sakin na masama kahit ano mang sakit na naramdaman sa ulo ko. Pangalawang aksidente nahulog ako sa Kama habang tulog na may taas 6 feet kasi double Kama yun. Lasing ako nun Habang tulog ako kitang kita ko yung nakaputing tao na walang mukha sa panaginip ko na nilagay na ang unan sa ibaba habang pahulog ako. At yun nga Una na naman ulo ko na pwede ikabali sa taas ng pagkahulog. Pero walang nangyari saking masama. Pangatlong aksidente muntik na papunta ako ibang bansa nun at late na ako sa flight. Pag sakay ko ng taxi nakita ko na naman yung nakaputing tao na walang mukha na humahabol sa taxi. Hindi ko alam bakit bandang Pasay pa lang bumaba na ako. At lumipat sa jeep. After 10 mins. Nakita ko yung taxi na sinasakyan ko na sumalpok sa Truck Hindi ko alam kung namatay yung taxi Driver. Pero kita ko gaano ka lakas ang pag bangga. Buti nalang nakalipat na ako sa jeep. Pang apat na aksidente ina amin ko Mali talaga ako. Nag momotor ako na nakainum na walang helmet na tatlo kami sa motor. Mga 60kph takbo ko na sumemplang kami at Una ulo ko na naman sa batuhan. Habang patumba kami sa motor kitang kita ko yung nakaputing tao na parang ako sa katawan na walang mukha na humawak sa ulo ko bago ako masubsub sa batuhan. Ngayong buwan lang nangyari. Laking taka ko ramdam ko ang pag subsub ko sa batuhan kung gaano ka lakas and after a half minute unti unting nawawala ang sakit at ramdam ko hinahaplos ulo ko pag tayo ko sa pag ka semplang. Ngayon may gasgas lang ang Nuo ko, tuhod at braso. Thanks God at sa nakaputing tao parang ako na hindi ko talaga ma identify ang mukha sa labo. Salamat sa pag basa ng kwento ko gusto ko lang i share sa inyo. Minsan binibiro ko sarili ko. ""May ala pusa ba buhay ko, Matigas lang ba ulo ko, may anghel ako ohh Kaluluwa ko mismo ang nakikita ko"" Ingat kayo lagi. 😉 "

JaPoy



Authors Note:

Slow update po ako nag aabang ako ng magshashare ng story nya,kaya lang po ako nag update ngaun para sa mga readers na patuloy na nagvovote and nag add nito sa reading list nila hopefully sana may magshare na ng story nya huhu kindly message me here..YAY 14K readers HELLO :D (kaway-kaway) tenkyu .

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon