Ngiti (Fbstories)

541 12 0
                                    


Ngiti

This happened last year, 2015. Magpapasko na noon. Ber months na kasi kaya mejo malamig na. I was working as a janitor that time sa Biñan City in Laguna. Nagngungupahan ako sa isang bed space don. Yung mga kasamahan ko sa trabaho, iisa lang sila ng kwarto. Ako, napabukod ng kuwarto, sa kabilang kalye pa pero walking distance lang naman. That time, yung isa naming kasamahan, umuwi sa hometown namin sa Victoria, Laguna. So nung gabi na yun, since off namin, nagkayayaan uminom. Shots lang. Pampatulog ba. Nagkakasayahan na kami nung gabi. Mejo may mga tama na din. Ngayon dun na ako pinatulog nila sa kama nung kasama namin na umuwi since gabi na din at mejo nakainom na din ako. Nung time na yun, di ako nakakatulog ng maayos (may insomnia ata ako, dahil hanggang ngayon, abnormal pa din ang tulog ko). Kinakalikot ko yung cellphone ko para kahit papano antukin ako. Di ko namalayan nakatulog na ako. Hanggang sa nagising ako around 3 or 4 am. Patay na yung ilaw sa kwarto pero alam kong gisinv pa yung isa kong kasamahan dahil mejo may siwang ng liwanag dahil sa cellphone niya. Napansin ko bukas yung pinto. Naiwan pala naming bukas dala ng kalasingan. Nung igagalaw ko yung katawan ko, napa-igik ako dahil di ko maigalaw. Sobrang hirap gumalaw. Gusto kong tawagin yung kasama ko dahil hindi ako makahinga. Parang may sumasakal sakin. Nakatagilid ako patalikod sa pinto. (Alam kong bukas yung pinto dahil may liwanag ng ilaw galing sa labas, madilim kasi sa kwarto pag nakasara yun pag patay ang ilaw). So, gusto kong igalaq yung katawan ko reversely paharap sa pinto. Pero di ko talaga maigalaw. Para na akong mamatay. Hanggang sa naramdaman ko, may nakatayo sa likuran ko. Alam kong hindi yun ung kasama ko dahil di naman umingit yung kama kung bumaba siya at alam kong nag se-cellphone pa siya. Sa gilid ng mata ko, alam kong may nakatayo. At alam king hindi din siya tao. Something like white na nakadamit. Bigla akong pinagpawisan, kahit malamig ang panahon dahil nga magpapasko na and to think madaling araw pa yun. Pilit kong iginagalaw ang katawan ko pero di ko talaga maigalaw. Sa gilid ng mata ko, nakita ko siya, nakatingin sakin. Mejo malaki ang mata niya, at nakangiti. Okay lang sana kung ngiting chicks pero iba. Ngiting aso. Nakakatakot. Ngiting demonyo. Nung nakita ko siyaang nakatingin sakin at nakangiti, sumakit ang likod ko. Maluluha na ako sa sakit. Bukod sa di ko na maigalaw ang katawan ko, ramdam na ramdam ko yung sakit dahil parang tinutusok ang likod ko tagos sa baga ko. Umungol ako. Narinig nung kasama ko, inilawan niya yung mukha ko ng cellphone niya tapos nagsalita siya pero di ko naintindihan. Nakatingin pa din yung nilalang na yun sakin at nakangiti. Lalong sumakit yung likod ko. Naalala ko si Lord. Nagdasal ako sa isip ko, taimtim. Sabi ko, ""God, anak Mo ako. Kaya ko to. Your name is higher and mighty. Please help me Jesus."" Hanggang sa gusto ko na humagulgol dahil sobrang sakit talaga. Nung sinabi ko sa isip ko na In Jesus' name, go away."", kumalma yung nararamdaman ko. Iginalaw ko ulit yung katawan ko paharap sa pinto kahit alam kong nandun pa rin yung nilalang na yun. Sabi ko may Diyos ako, I should not be scared. Humarap ako. Nawala si ngiting aso. Nung pagharap ko sa pinto, nakahinga ako ng maluwag. Biglang bumangon yung kasama ko dahil narinig niya ata yung malalim kong hinga. Hanggang sa kumalma ako. Nag pray ako. Napaiyak ako dahil hiyang hiya ako kay Lord. Naalala ko lang Siya pag hirap na ako. Nawala yung sakit ng likod ko. Derederetso lang yung prayer ko. Hanggang sa umayos yung pakiramdam ko.

Lesson na natutunan ko, don't forget to pray.

Hanggang sa nag umaga. Okay na ako. Pero ramdam ko pa din nung sakit ng likod ko pero konti na lang..

Mabuti ang Diyos, wag tayo masyado lumayo..

Rhon

2011

College of Education

LU (Laguna University)





A/N: finally na activate ko na email ko i can comment na Guys yipeee <3 

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon