Kababalaghan sa simbahan (FBstories)

750 11 0
                                    


Kababalaghan sa Simbahan

"Ding... Ding... Ding..." Tumunog na ang kampana ng Simbahan, Simula na ng Misa. Naihanda na namin lahat ang gagamitin bago pa mag simula ang Misa. Umuulan ng mga oras na yon, Kaya't kakaunti ang nag simba. "Ama namin sumasalangit ka sambahin ang ngalan mo." Na bigla ako dahil pag tingin ko sa Left side ng simbahan merong matandang Babae na naka upo doon at bukod tanging siya lang ang naka upo doon. Nakita ko ang Matalim na tingin niya kay Father habang nag Mimisa. Kaya binulungan ko yung kapwa ko sakristran at sinabi ito sa kanya. Pag tingin ulit namin doon sa Left side ng Simbahan wala na yung matandang babae kaya't nagulat ako Dahil iilang sandali pa lamang ang nakalilipas ay wala na yung matanda sa kanyang kina uupuan. Kaya't sinabi sa akin ni Brixter na nananakot lang daw ako dahil wala naman siyang nakita. Pagkatapos ng pangyayaring yon, doon na natuon ang pag iisip ko. Di ko alam kung matatakot ba ako oh ano. Hanggang sa matapos ang Misa yon parin ang iniisip ko hanggang sa mag uwian na ang mga tao sa simbahan. Habang nag liligpit kami ng mga ginamit sa misa nag paalam na rin ang Ibang mga Sakristan at akoy nag paiwan muna sandali sa Simbahan dahil marami pang gagawin. Daryll... una na kami ha baka kung ano pa kasing makita ko dyan na pabirong sabi sa akin ni Khean. Di ko nalang pinansin yung sinabi nya. Bago sila umalis sinabi naman sakin ni Brixter na ikumusta ko nalang daw sya don sa Babaeng naka itim kanina kung sakaling makita ko ulit. Nag tawanan silang lahat. At ako naman ay nag patuloy na sa aking ginagawa ng ako'y maka uwi na rin. Kaya't Kami nalang ni Father Mike ang naiwan sa Simbahan. Nung itatabi ko na yung mga gamit sa tabihan nakita ko ulit yung babaeng naka itim kanina na nag lalakad sa Gitna ng Simbahan at tiningnan ko si Father Mike at nakita kong nakikita nya rin ang Aking nakikita. At sinabi naman sa akin ni Father Mike na bilisan ko na daw. At nakita ko naman yung babae na Pumasok doon sa Pinag kukumpisalan. At sabi naman sa akin ni father Mike na Bukas daw ang Third Eye ko. Niyaya naman ako ni Father Mike na samahan ko sya' at papunta na kami don sa Kumpisalan pag bukas namin nung Kurtina wala don yung matandang babae. At bigla nalang nabanggit ni Father ang Pangalang WRAINCES. Tinanong ko naman kung anong Wrainces. Ang Sabi sa akin ni Father ay iyon daw si Wrainces dating madre ng simbahang ito. Ha? eh parang ngayon ko lang naman sya nakita ah. Bakit pati ang bilis nyang mawala at ang sama lagi ng kanyang Tingin? ang tanong ko kay Father. Nag simula lang ako sa pagiging Sakristan dati, Labing Limang taon ako noon ang Father na naka destino sa aming simbahan ay si Father Paulo, Si Father Paulo ay Walang asawa dahil nga siya ay pari kaya't Hindi siya pwedeng lumabag sa batas ng Pagiging Pari. Isang taon na sa Simbahan namin si Father kaya't halos lahat kami ay Kilala na niya. Pero sa hindi inaasahang pang yayari nag karoon ng Relasyon sina Father Paulo at Madre Wrainces na labag naman ito sa kautusan ng Simbahan kaya't nag Pasya si Madre Wrainces na itigil na ito. Habang Sinasabi nya iyon kay Father Paulo nag dilim ang paningin nito kaya't sa Hindi inaasahang pangyayari nasaktan ni Father Paulo si Madre Wrainces at sa Sobra na nyang Galit at Sakit na nararamdaman ay naka kuha sya ng isang matigas na gamit sa Simbahan at itoy naipalo sa Ulo ni Madre Wrainces. at ito ang naging dahilan ng kanyang pag ka Himatay. at nakita ko ding may pag nanasa si Father dito pero hindi ito natuloy dahil agad na Nagising si Madre Wrainces at itoy naka tayo agad at naka laban. Habang papalayo na si Madre Wrainces ay naabutan sya ni Father dahil sarado na ang Pinto ng Simbahan kaya't Pinag uuntog ni Father ang Ulo ni Madre sa Pinto ng simbahan at iyon na ang kanyang ikina matay. At dinala ni Father Ang bangkay nito sa Kumpisalan at bago umalis si father ay nakita niya ako sa may upuan sa simbahan at sinabi nya sa akin na Huwag daw akong mag susumbong kung hindi ako ang isusunod niya at itoy umalis na papalabas sa Simbahan. Tiningnan ko si Madre Wrainces Pero wala na siya. Patay na! Agad na akong natulog sa Kwarto ng simbahan at pag Gising ko may mga Pulis na sa labas ng simbahan at kinukuha na nila ang bangkay ni Madre Wrainces. Ako nama'y umaktong parang walang nangyari at Walang alam para Hindi na nila ako pag hinalaan o tanungin sa mga nangyari. Pag katapos non ay wala na kaming balita kay Father Paulo. Kaya't sa mga Pangyayaring yon Bago pa man ako maging pari ng Simbahang ito ay Marami ng kababalaghan sa simbahang ito dahil hindi pa rin natatahimik ang kaluluwa ni Madre Wrainces. Kaya't sa mga nakita mo kanina na masama ang tingin nya sa akin ay dahil iyon ay Galit sya sa mga pari bago pa ako maging pari ng Simbahang ito marami ng pari ang Umaalis dito dahil sa takot at isa lang ang kanilang sinasabi na nakaka kita sila ng babaeng naka itim at masama ang tingin sa kanila. At yon ang Sinabi sa akin ni father Mike at tinanong ko naman kung bakit hindi sya natatakot. Dahil daw siya ay may malakas na pananalig sa ating panginoong diyos kaya hindi siya pinangingibabawan ng takot. at sa tuwing makikita nya si Mother Wraince ay siya'y nananampalataya na lamang. Pagkatapos ikwento ni father Mike lahat sa akin ay paulit ulit parin ang mga nangyayari nag papakita pa rin sa akin si Madre Wrainces na matatalim ang tingin sa akin na tila ako lamang ang nakaka pansin sa kanya. Pero Sinunod ko din ang ginagawa ni Father Mike nagdadasal na lamang ako palagi upang hindi nya ako magambala. At Hanggang dito na lamang.

Di naman sya masyadong nakaka takot. Share ko lang sa inyo.

~FRNCLPNZLNCRZ

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon