Cowboy (FBstories)

559 16 1
                                    


COWBOY

Noon ndi ako naniniwala sa Multo, pero simula nung naranasan ko to totoo talaga sila.

It was year 2014 when me and my Mom decided to rent an Apartment near Q-mart Edsa.

So the first time na pumasok ako sa bahay na yun nagandahan agad ako. May dalawang room, so syempre tig isa kame ng room ng Mama ko.

After one month maayos naman yung pagtira namin dun. Pero sa sumunod na araw, linggo iba na. Feeling ko may kasama kame na ndi lang namin nakikita.

One night, Ndi ako makatulog nakahiga lang ako at nagbabasa ng libro.Bandang 12 ayun nakatulog na ko. Pero maya maya nagising ako kase may bumubulong saken. Ndi ko maintidihan. Parang random voices ng babae na lalaki na ewan. So ndi ko pinansin nakakumot ako mula ulo hanggang paa tiniis ko yung init kase natatakot nga ako. Paggising ko alasnwebe nag umaga. So ayun sakto namang day off ng mama ko kaya nasa bahay lang kame maghapon, so ayun sinabi ko sa kanya yung nangyari kagabi, pero ayaw niya kong paniwalaan.

Pangalawang gabi, nakatulog naman ako pero nanaginip ako, nakakita ako ng babae na maiksi yung buhok na medyo singkit, nanlilisik yung mata niyang nakatingin saken. Galit na galit. Tinuturo ako. Sa panaginip ko andun din si Mama may lalaking parang nagkakagusto sa kanya. Nakasumbrero siya parang cowboy. So ayun dinededma ko nalang lahat. Iniisip ko nalang na wala lang yun. Panaginip lang yun. Pero iba na. Ilang linggo ng ganon ang panaginip ko paulit ulit. Yung babae galit na galit talaga siya.

Isang gabing ndi ako makatulog ulet may bumubulong na naman saken. Pumikit lang ako ayokong dumilat baka makita ko siya. Tapos naramdaman kong nanlamig yung paa ko. Ramdam ko may humawak saken. ""Help me God"" yun lang paulit ulit kong sinasabi. Ilang gabing ganon.

Napansin naman ni mama yung pagpayat ko at yung eyebags ko sobrang itim na kase halos magwaOne month nakong ndi nakakatulog ng maayos. So sinabi ko na kay Mama. Natakot din siya kaya nagplano kame na tapusin nalang yung 2months na dinown namin sa bahay.

Pero patagal ng patagal mas lalong lumalala, noon gabi lang nagpaparamdam pero one time habang naliligo ako. May humalakhak. As in parang katabi ko lang. Rinig na rinig ko yung tawa niya. Parang tawa ng kontrabida sa palabas. Kaya tinapos ko agad yung pagligo ko.

Bandang 7pm dumating si Mama galing work. So ayun natulog agad siya ng mga 9pm. Ako naman nasa sala. Since malapit lang yung kwarto niya sa Sala naririnig ko siyang sumisigaw. Nagulat ako pagpasok ko ng kwarto yung ilaw parang mapupundi na. Natakot ako kay Mama kase umiiyak siya. Pero tulog siya nun. Binabangongot. Ginising ko ng ginising. Sinampal ko pa nga e kase ndi siya nagigising. Tapos sabi ko ""Ma anong nangyayare sayo"" ndi niya ko sinagot. Sabi niya samahan moko sa banyo masakit tiyan ko. Sinamahan ko siya. Sabi niya ""kunin mo muna yung bagong biling sabon nasa sala"" so ayun kinuha ko. Ilang hakbang lang naman yun sa cr. Siguro mga 10 seconds pag lingon ko si Mama nakahiga na sa Banyo. Natakot ako kase puti na lahat yung mata niya. Iyak ako ng iyak. Tinawag ko yung kapit bahay naming babae para tulungan ako. Sa sobrang nerbyos ko nabuhat ko si mama palabas ng banyo kahit sobrang bigat niya. Sabi ko dun sa kapitbahay namin tumawag ng taxi kase dadalhin ko si Mama sa Hospital. Habang naghihintay ako may napansin ako sa ulo ni Mama. Tinaas ko yung buhok niya. Shet sobrang laki ng sugat. Natuklap yung anit niya. Iyak ako ng iyak nun. Ndi ko alam gagawin ko. Dinala namin si Mama sa Hospital malapit sa Project 4 nakalimutan ko na pangalan ng hospital sa may anonas banda. So ayun habang tinatahi yung ulo ni Mama andun lang ako sa labas. Nagkamalay naman siya. Dun muna kame tumuloy sa bahay ng tito ko sa E.Rodriguez Cubao sa may Lantana St. Medyo mabagal yung recovery ni Mama kaya nagleave siya sa trabaho ng 1 month para magpagaling. So ayun ndi naman tumagal medyo gumagaling si Mama kaya umuwi muna kame sa bahay namin. Lagi kong katabi si Mama matulog para naman mabantayan ko siya.

Madaling araw nun suka siya ng suka at yung tiyan niya sobrang laki parang nine months na buntis. Syempre natakot ako. kinaumagahan pumunta na naman kame sa Hospital. Chineck up niya at nagulat ako kase sabi ng Doctor buntis daw si Mama. Sabi ko ""Dok, imposible naman yun. Kailangan namin ng pruweba na buntis ang mama ko. So sabi ng doctor magpa Ultrasound daw si Mama. So ayun nagpaultrasound nga. Nagulat kameng lahat kase Wala namang lamang bata. Wala namang kahit ano sa tiyan ni Mama. Nagpregnancy test si Mama dalawang beses positive lahat. Pero ang nakakagulat wala namang makitang kahit ano sa tiyan.

At dahil pati doctor hindi maipaliwanag ang nangyare kay Mama. Nagdecide ako na ipaAlbularyo si Mama at ipatawas.

Kinalibutan ako sa sabi ng Albularyo kay Mama. Nirape daw ang mama ko ng multo. Pinatawasan ko rin ang Mama ko at ang lumabas sa kandila Isang lalaki. Nakacowboy ng damit at sumbrero. Sabi ng matanda may nagkagusto daw kay mama at nirape siya multo. Yung babaeng nakikita ko sa panaginip siya yung asawa ng multong gumahasa sa Mama ko. Kaya pala galit na galit ang babae samen kase nagseselos siya kay Mama. At yung sugat ni Mama sa ulo. Ndi daw yun dahil sa pagkakabagsak ni Mama sa banyo. Talagang sinadya yun nung babaeng multo na galit samenn. Kaya pala nanlilisik ang mata niya ng nakatingin samen sa gabi gabi kong panaginip. At yung gabing nakita ko si Mama na umiiyak at nananaginip, siguro yun yung time na nirape siya ng Multo.Ndi na kame tumagal dun sa bahay na yun. Pero bago kame umalis may sinabi saken yung kapitbahay namin ""Nini yang kwartong tinirhan niyo matagal na yang bakante simula nung may magasawang namatay diyan. Kahit walang tao dyan noon may naririnig akong nagaaway, at yung apo ko nakikita lagi ang Mama mo na may kasamang lalaki kapag lumalabas ng pinto niyo, ndi ko naman makita."" Ndi ko na pinatapos yung matanda kase takot na takot na ako.

Pansamantala muna kameng tumira sa tito ko sa Cubao. Pero ndi parin dun natatapos. Kahit gumaling na ang mama ko. Nagpaparamdam parin sa kanya yung lalaking multo na nanggahasa sa kanya. Minsan nakikita niya sa trabaho niya. Sa CCTV ng bangko na pinagtatrabahuan niya. Minsan nakikita niyang nakatayo sa Tabi ng Atm machine nakatingin sa kanya. (Cctv opeator po ang mama ko sa isang Bangko.) Natatakot parin si Mama. Pero natapos ang lahat ng biglang nadulas si Mama sa hagdan dumugo talaga yung ano niya na parang naagasan siya. 2 weeks siyang dinugo nun. Pagkatapos ng two weeks na yun. Natapos na din lahat. Wala ng nanggugulo sa kanya. Bumalik na sa normal si Mama. Ok na ulet siya. Pero ndi ko akalain na nakakapanakit pala ang multo. Kaya ingat tayo, baka may nagkakagusto na sayong ibang elementong ndi mo nakikita.Dasal lang palagi. At kung magrerent man kayo ng kahit na saang apartment alamin niyo muna ang history ng apartment na yun.

Noon akala ko sa TV lang yung mga ganitong pangyayare. Totoo pala talaga.

Deng

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon