KALAW Fastfood restaurant (FBstories)

836 16 0
                                    


Kalaw Fast Food Restaurant.

Nangyari to nung last January 23. Nagtatrabaho ako sa isang fast food restaurant sa kalaw. January 22, first day ko dun sa pinasukan kong trabaho. Sa 2nd floor ramdam ko na meron talaga kasi sa tuwing aakyat ako dun laging mabigat pakiramdam ko. Hanggang 2nd floor kasi ang store na pinapasukan ko. Natapos ang first day ko ng okay naman. Eto na... Sa 2nd day ko dun na-assign ako na maglinis ng 2nd floor para ayusin to. Sa isip isip ko, patay alam ko na to. Gusto ko sanang tumanggi kaso 2nd day ko pa lang nun kaya hindi ako pwede magreklamo. So ayun na nga pag akyat namin dun ng nagtatraining at nagtuturo sakin bumigat agad pakiramdam ko. Maaga nun kaya nakapatay ang ilaw. So lahat ng dapat kong gawin tinuro na nya sakin then tinanong nya ko kung okay na daw at alam ko na daw ba lahat ng gagawin ko. Ang sabi ko oo alam ko na. Agad syang bumaba kasi sabi ko alam ko na eh sana pala sinabe ko hindi pa para hindi sya bumaba kasi that time natatakot na ko hahaha. Balik tayo sa kwento. Ayun nga kinuha ko muna ang mga condiments para ipunin at ilagay sa gilid para mapunasan ko ang mga lamesa. Nakuha ko na nga lahat at nalagay ko na sa gilid. Nung pupunasan ko na lahat ng lamesa at upuan, may nararamdaman akong parang nakatayo at nakatingin sakin sa gilid ng aircon sa bandang malapit sa cr habang naglilinis ako. Hindi ko na lang pinansin kasi kailangan kong gawin trabaho ko eh. Eto na, habang nagpupunas ako ng mga lamesa edi ako busy sa ginagawa ko, may narinig akong parang nalaglag sa bandang cr dun sa may parang nakatayo. Shit kinakabahan na talaga ako pero hindi ko pinansin so linis ako ulit. Naulit ulit yun may parang kumakalabog na naman dun, naglakas loob na ko at tinignan ko at nagbakasakaling baka yung katrabaho ko lang nantitrip. Inisa isa ko lahat ng pinto ( kasi tatlo yun, dalawang cr. Isa sa lalaki at isa sa babae at isa para sa utility room namin) inuna ko yung cr ng lalaki, walang tao. Sunod utility room naman, wala din tao. Kabang kaba na ko wtf!!! Dahan dahan kong binubuksan cr ng girls, shiiiit wala din tao! Nung panahon na yun gusto ko ng tumakbo pababa dun pero kailangan ko talaga tapusin ang mga dapat kong gawin. Ang ginawa ko na lang kumanta ako para kunwari hindi ako natatakot. Balik ako sa ginagawa ko. Punas ng lamesa, sa bandang malapit lang sa pinto para makakatakbo agad ako hahaha. Nananimik ako saglit at ginagawa ko pa din ang trabaho ko at ilang saglit gumalaw yung isang upuan sa bandang malapit sa mga cr at aircon t rinig na rinig ko ang pag galaw nito. What the f***!!! Nakita ko din na gumalaw talaga kasi inayos ko na yun eh pero nakatagilid na yung isa. Bababa na sana ako, sakto dating ng katrabaho ko. Hindi ko sinabe ang nangyari sa kanya kasi baka isipin nya nagdadahilan lang ako para makalusot sa trabaho ko. Kwinento ko to sa mga katrabaho ko na mga taga samin lang din. May isang ahead sakin na nagsabi na nakakaramdam din sya dun.

May kumain din dun samin na may third eye, nung nagserve ako ng pagkain nakita ko yung costumer na nakatingin sa likod nya (sa aircon banda) at namumutla. At nung bumaba ako nakita ko sila ng kasama nya na nagpalipat sila ng pwesto sa baba na lang daw sila. Hindi nya sinabe kung anong nakita nya pero namumutla pa din sya. Kaya nalaman kong may third eye sya kasi narinig ko nung nagserve ako sa kanila ng pagkain nila, pinag uusapan na nila yun.

Naulit pa to. February 4, kaya sariwa pa sakin hahaha closing naman ako nun. So naasign ako ulit dun sa 2nd floor. Sa isip isip ko na naman. Hayop bakit dito na naman ako? Hahaha. Pag akyat ko, awa ng Diyos naka-on pa naman ang ilaw. Nagwawalis ako nun kasi kailangan yun para maayos pag nag mop na ako. Pag tapos ko magwalis, lilinisin ko na ang mga cr. Una kong nilinis ang cr ng lalaki. Edi okay na cr naman ng babae ang next ko. Nung bubuksan ko na, ang hirap itulak! Parang may tumutulak sa loob na parang may nakaharang. Tapos na, nawalis ko na lahat kaya mag-momop na ko. Habang ginagawa ko to parang may humahawak sa batok ko, biglang lumamig batok ko. Shiiiit eto na naman! Ng malapit na ko sa bandang aircon, nakita ko gumalaw yung upuan as in kitang kita ng dalawang mata ko! Napaatras ako sa nakita ko, sa right side ko may salamin para sa washing area namin. May naaninag akong nakatayo malapit sa aircon which is nasa left side ko, edi napatingin ako sa left side ko, sa aircon. Wala akong nakita. Dali dali akong tumakbo papunta sa hagdan at tinawag ko yung tropa ko na katrabaho ko din. Umakyat sya at nagtanong. "Ano nagparamdam ulit sayo?" Habang natatawa. Sabi ko "Oo tang ina nakita ko gumagalaw yung upuan". Baba agad si loko, mas takot pa pala sakin hahaha. Kwinento nya sa mga mas matagal samin na nagtatrabaho dun at sinabe "may namatay kasing guard dito dati, inatake sa puso habang nakaduty. Pang gabi yung guard na yun kaya walang nakatulong agad sa kanya kaya dito na sya namatay". Kaya nalaman kong may multo talaga sa store namin. Sa ngayon nasasanay na lang ako sa paramdam nya hahaha. Thank sa pagbabasa kahit mahaba. 


A/N: yieeee pang #70 na sa horror from #117 yay :D thank you , sa mga nais magshare ng stories nila pm lang :D thank you

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon