Elevator (FBstories)

611 9 0
                                    


Elevator

Nangyari itong story na 'to nung 2010, I was then working while studying, nagtututor ako ng tatlong korean kids sa Greenhills na nag-aaral sa OB Montessori. Araw araw ako pumupunta sa kanila sa LPL Tower sa may Eisenhower tabi lang halos ng school nila, Sunday lang ang off ko no'n. Papasok ako ng 6pm then matatapos ang work ko ng 10pm. Walang gabi na umuwi ako nang di natatakot kasi luma na yung condo, luma yung design, yung hall way at lahat lahat. Nung minsang pumasok ako sinabihan ako nung eldest sa mga bata na "Teacher! There's a ghost behind you!", then she laughed. Alam ko nagbibiro lang siya that time. Nung bago kami matapos nung pangalawang anak dahil siya yung huli kong tinuturuan at sanay siyang mapuyat, tinanong niya ako ng "Teacher, are you afraid of ghosts? There are ghosts in here.". Syempre sabi ko wag magbiro kasi super duwag ako. Then sabi niya "No teacher, I'm not joking. Just stay, go home tomorrow morning.". Syempre takot na takot na ako, gusto ko man magstay pero di pwede dahil may pasok ako sa school ng maaga kinabukasan, imagine her face while saying those things, para akong nasa asian horror movie. Sabi nung nanay nung pauwi na ako mga 10:20pm siguro yun, ihatid na raw ako sa may pinto, then hinatid nila ako. Sinara nila yung pinto agad after. Nung paglakad ko mga ilang steps palang, binuksan ulit yung pinto then tinawag ako nung panganay na nagjoke sakin bago kami magstart earlier, sabi, "teacher there's a ghost in the elevator!" Tapos sabay sara ng pinto. Kabang kaba ako at takot na takot. Ito na naman yung mahabang hall way bago marating yung elevator, iniisip ko rin kung may nakatira ba sa mga unit na katabi nila, paano kung wala pala talaga tapos may kumakahol na aso sa loob ano yun alaga ng multo? Haha ang praning ko na while walking along the hall way, sobrang takot na takot ako, nagmadali ako makarating sa elevator nasa 7th floor lang naman ako inisip ko na sandali lang at makakababa ako agad at di ako magtatagal sa elevator, I pressed the down button, syempre di oopen yun kung may naunang magpress sa taas para bumaba, uunahin umakyat bago mag-go down, nagopen na nga siya. Then I pressed the Ground button. Nung sumara yung elevator dun ako mas naloka dahil umakyat ito, umakyat hanggang 29th floor! Nagdadasal ako na sana glitch lang na nagopen sa 7th kahit may naunan nagpress sa taas, na sana may tao talagang nagpress sa 29F. Pero pagbukas ng elevator, walang tao, ang dilim ng hall way, dali dali kong pinress yung close button, habang pababa ng ground gusto ko na lang biglang maglaho, takot na takot ako. Paano kung mangyari sakin yung mga nasa movie, at kung ano ano pa naiisip ko. Pagbukas ng pinto sa ground nagulat ako sa mga tao na naghihintay sa baba, siguro nagtaka din sila bakit ganon reaction ko pagbukas ng pinto. Kung alam lang nila pinagdaanan ko 5-7 minutes bago ko sila nakita. Haaay. Habang nirerecall ko yung pangyayari kinikilabutan pa rin ako. Wala akong nakitang multo pero alam ko pinaglaruan ako, at hinding hindi ko ito malilimutan. (Parang love story kong naging horror story din. Kidding aside. Haha)

Huling gabi ko na rin pala yun sa pagtuturo sa mga bata. Been with them for almost a year pero mas natalo ako ng takot ko kesa sa kung ano pa, kaya nagresign ako. Hindi rin naman ako natrauma sa elevator pero ayoko na pumasok sa LPL ever after that incident. Salamat sa pagbibigay ng oras basahin itong naranasan ko.

--maria sonsaengnim

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon