Sa Paanan ng Kama ko (FBstories)

701 11 3
                                    


SA PAANAN NG KAMA KO

Di ko maikakaila na minsan nagigising nalang ako na parang gulat na gulat kahit wala namang dahilan. Masasabi kong ang kwentong ito ay ang isa sa pinaka nakakakilabot sa talambuhay ko.

Isang gabi noong December 2015, Naaalala ko pa nun na bigla akong nagising dahil may kung anong humampas sa paanan ko( Di ko alam kung guniguni ko lang ba yun kaya Di ko ito pinansin) Gising na din naman ako nun, umihi narin ako sa paniniwalang mahihimasmasan ako. Antok na antok na ako nung time na yun (2:30 na kasi nun) Nang pahiga na ako may natanaw akong Puting barong (with matching slacks na itim) Medyo may naramdaman na ako na Di ko gusto kaya inisip ko nalang na baka coincidental lang kasi saktong nakaposisyon yun na katabi ng closet na nasa tapat lang ng kama ko. Nang kumurap kurap ako, laking takot ko na may mukha ako naaninag!. Ayun nga syempre sino ba naman Di matatakot kaya ang ginawa ko, nagtalukbong ako ng kumot at pinipilit Kong ibahin ang iniisip nang sa ganon Di ako matakot pero habang nakatalukbong ako meron akong naririnig sa gilid ng kama ko na boses ...

Puro Pssst...Pssst ...Pssst ..lang ang naririnig ko. Sa takot ko napadasal nalang ako. Paulit ulit na Hail Mary ang tanging nabigkas ng bibig ko(ilang minuto din yun). Quite a while wala na akong naririnig na pagsitsit kaya inisip ko na baka wala na kaya kahit takot napasilip ako sa gilid ng kama ko nang biglang tumambad sa mukha ko ang malaki, mapula at nanlilisik na mata sa harapan ko kaya napasigaw ako pero mistulang walang tinig na lumalabas kaya puro dasal nalang ang inisip ko hanggang sa makatulog nalang ako sa takot.

Kinabukasan nagtataka ang nanay ko kung bakit pawis na pawis at nanginginig kaya yun kinwento ko sa kanya at ang sabi sabi samin ay bago pa daw kami dumating sa bahay na iyon ay may inilibing pala doing matandang lalaki na pinagbabaril. Ang maisip na paraan ng mga magulang ko ay ipabendisyonan nalang ang among bahay sa paniniwalang matatanggal ang pagpaparamdam pero napagtanto ko Hindi epektibo ang bendisyon kase kahit hanggang ngayong nagtatype ako at meron nanaman akong sumisitsit pero naimmune narin ako at nasanay na rin kaya sana matahimik na sya kasi gabi gabi nalang ma's sumisitsit sa akin kaya Di ko rin mapanatag ang loob ko.......

END..

~GiPV😉

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon