Apartment (FBstories)

589 8 1
                                    


A p a r t m e n t

"2010 nang lumipat kame sa Camella dahil binaha yung dati naming bahay dahil sa Ondoy. Apartment siya na magkakatabi. Napilitan lang ipa-upa nang may-ari yung mga bahay kase nga maraming nawalan ng bahay so puno agad ang sampung aprtmnt. Dalawang bahay yung inoccupy namin, dun sa kabila, sa bahay ng ate ko, gf ni kuya, lagi na siyang nagkakasakit non, may sinabi pa nga sakin na madaling araw non nang umuwe siya (call center kse sya) pagakyat nya daw sa unang hagdan may nakita syang lalake akala niya si kuya kse parehas daw ng feature ng ktawan na medyo malaki pero nakatalikod sa may flatform pagkatapos ng unang hagdan. Madilim non tas malabo pa mata niya, salita raw sya ng salita kse akala nya nga si kuya kse bakit daw gising pa pero hndi sumasagot then nung pag-apak nya sa platform wala na raw tao. Tapos kumatok sya samin tinanong kung kapapasok lang daw ba ni kuya ng bahay, gsing pa kse iba kong kuya non, sabi kanina pa raw tulog kaya medyo natakot sya. Tapos nagkwento siya na tuwing gabi raw may nangingiliti sa paahan niya gamit ang feather then one time naalimpungatan siya kaya napadilat siya, saktong biglang may nag ""boo"" sabay ihip sa mukha niya tapos biglang tumawa. May nagsabi pa sakin ng kapitbahay na may nakita raw sila na lalaking walang ulo sa may bintana nila ate. Samin naman ay parang lagi ako yung nakkaramdam, kse wala nman akong nrrinig sakanila. Iihi na dapat ako pero naunahan ako ni mama na lumabas galing kwarto.

Edi naghntay ako, sobrang tagal niya sa cr kaya ihing ihi na ko. Tapos maya maya bglang lumabas ulit si mama sa kwarto kaya nagulat ako. Kanina pa ko nagaabang sa cr pero sa kwarto sya lumabas kya tinanong ko kung galing ba syang cr sabi niya hindi raw. Dun ko nalaman ang salitang doppel-ganger.

One time umaga non nagaaral ako, e sa tabi ng set kung san ako nakapwesto ay may dalawang kwarto na may kurtina.

Pula ang kurtina namin non at hindi sagad sa sahig so makikita mo yung paa kung may lalabas, kitang kita sa gilid ng mata ko yung puting dress na nakasayad sa sahig na lumalabas tapos umaangat pa yung kurtina dahil hindi naman hinawi first time kong makaexperience ng ganun. Tapos minsan hindi gumagana ang electricfan at ilaw pag binubuhay pero maya maya gagana or biglang bubukas yung ilaw. Second flr yung aprtmnt namin edi sympre may hagdan tapos may gate. Gabi non nsa labas ako ng gate may kausap nang bigla akong napatingin sa may hagdan kase may butas butas yung gate namin (design ng gate) nakalutang yung nakaputing babae na may mahabang buhok,wala syang mukha dahil madilim pero pakiramdam ko sakin sya nakatingin. Tapos one time nag alarm ako ng 4:30 dahil pangumaga ako pero nag alarm ng 3:30 so nagising ako ng wala pa sa wisyo, hndi ko alam kung bakit bumaba ako sa kama tas biglang lumabas ng bahay tas umupo ako sa may terrace namin tas nakapalumbaba tas nakapikit tapos bigla kong nramdaman na may katabi ako kaya lumingon ako sa right side ko, batang lalake parehas kame ng ayos ng pagkakaupo, nakalagay din kamay nya sa baba pero nakaharap siya sakin. Biglang nagising ang diwa ko nun kaya takbo agad ako sa bahay. Ang naalala ko lang pra syang yung bata sa scary movie. Sabi ko nung bata ako pag nanunuod ng horror ang tanga tanga naman ng bida, hindi sumisigaw or hingi ng tulong. Dun ko narealized na hindi ka pala tlga makakasigaw sa sobrang takot.

Actually kinakabahan pa ko kung itatatype ko ba tas isend dahil naguumpisa pa lang ako sa pag type sunod sunod na yung kalampag sa may kusina. Hindi ko alam kung sa kapit bahay ba yon or what. Tas feeling ko may nakatingin sakin ngayon, sana lang maayos ang pagtulog ko mamaya.

Ps: alam kong sobrang haba pero binasa mo parin so thank you."

J

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon