Diablo (Fbstories)

546 8 3
                                    


Diablo

Hello guys! gsto ko lang mag share sa inyo, first time tong nangyari sa buhay ko hahah!

Isa akong Christian. Kahit kelan di ako naniniwala sa mga multo multo na yan, pinag tatawanan ko lang yan lalo na pag yung mga kaibigan ko nag kwekwento ng mga nakakatakot, nakikinig naman ako sa kanila pero di ako naniniwala dahil sa mga kwento nila pare-pareho lang, may babae daw silang nakita naka itim o naka puti kesyo may nakita daw silang lalaking naka itim o naka puti, odiba pare-pareho lang?! wala ba silang nakikita naman na naka pink, blue o yellow manlang? kaya yun, di talaga ako naniniwala. Pero nung dec 2014 mula nung nag away mga magulang lagi na kong naiinis sa kanila paulit ulit nalang sila nag aaway hanggang sa sinisi ko na nun yung Diyos na bakit sa araw araw ginawa ng Diyos lagi nalang nag aaway mga magulang ko, kaya simula nun di na ko naniniwala sa Diyos, sa kanya ko lahat sinisisi ang lahat ng nangyayari nun. Kaya nun parang iba na yung pakiramdam ko lagi nalang ako mainitin yung ulo tas iba na pakiramdam ko parang ang bigat bigat na di ko malaman, tas nung Dec 24 umaga nun pagkagising ko nasa kwarto ako sa baba ng higaan ko parang may mahinabg kumakalabog kaya binaliwa ko lang baka kasi aso ko lang yun pero yung papatayo na ko bigla akong nagulat kasi may nakita akong nakahiga sa sahig hati lang siya kasi natatakpan siya ng higaan ko nagulat talaga ako sobra! lalaki siya at naka puti naka barong at tirik na tirik at mga mata, kaya naman tumakbo agad ako sa may salas tas sobrang lakas ng kaba ko at nanginginig ako at pinag papawisan nun tas lumapit sakin mama ko sabi ""ano daw nangyari sakin"" pero di ko siya kinausap kasi galit ako sa kanila ng papa ko. Tas Noche Buena na nun lahat sila nag sasaya at ako andun lang sa may salas na para bang sobrang galit sa mundo, tas nagulat ako na may naka upo sa hagdan namin na babae at naka dungaw sakin at parang ang sama sama ng tingin, kinikilabutan na ko nun pero sa mga oras na yun Diyos pa rin ang sinisisi ko sa mga nangyayari sakin hanggang sa bawat kilos ko parang and dami daming sumusunod o nag mamatyag sakin na di ko alam kung bakit. At Dec 27, 2014 na ng gabi nasa kwarto ako nun at punong puno ako ng galit sa mga magulang ko, walang oras na di sila pwedeng mag away kaya umiiyak na galit ako nun hanggang sa makatulog ako at nagising ako mga 2:15 ata nun para mag cr kaya bumaba ako at pag baba ko sa hagdan namin bawat hakbang ko napaka lamig kaya takot na takot na ko at nung nasa kusina na ko maraming bumubulong sa tenga ko na di ko maintindihan kaya naman tumakbo ako sa cr ako sinarado agad yun para umihi pero di pa rin sila nawawala bulong pa rin sila ng bulong halos nanginging at pinag mumura ko na sila at tumakbo agad ako sa kwarto ko tas nagulat nalang ako na biglang gumalaw yung life size standee ko na Harry Styles tas sobrang nanginginig na talaga ako sa takot, di ko sila nakikita pero bulong sila ng bulong sakin kaya namaan iyak din ako ng iyak tas tumakbo ako sa may lamesa sa kwarto ko at kinuha ko yung bible ko at nagdasal na ko, at pagkatapos ko magdasal nawala na sila kaya naman iyak ako ng iyak at sinabi ko "" Papa Jesus, sorry po sa mga kasalanan na ginawa at nasabi ko sa inyo kahit ganito ako di niyo pa rin po ako pinabayaan kaya naman humihingi ako sa inyo ng tawad alam ko na lahat ng to pagsubok lang at humihingi po ako sa inyo ng tawad mula ng galing sa puso patawarin nyo po ako"" tas yun nakatulog na ko ako, tas kinabukasan inaya ko mama ko na magsimba at para mag pasalamat at humingi ng tawad sa Diyos kasi kahit anong gawin natin kasalanan papatawarin tayo ng Diyos na lumikha satin at wag na wag natin siyang kakalimutan sa oras na wala na talaga tayong magagawa Diyos lang talaga ang kakausapin natin at wag na wag tayong susuko basta may Diyos tayo. Diyos lang talaga at Dasal at kasagutan sa lahat.

March 2015 nga pala nag bati ang mama at papa ko at eto kami ngayon masaya at buo parin :)

Sorry kung medyo mahaba :)

harry styles hahaha!

Quezon City

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon