Hello (FBstories)

433 9 0
                                    

HELLO

Note: Medyo mahaba 'to pero sana basahin niyo.

Nangyari 'to year 2007, 8 years old pa lang ako non. Kakapakabit lang namin no'n ng internet connection, syempre kasama na din dun yung landline telephone. Dahil nga bata, lagi kong pinaglalaruan yung telephone namin, magdadial ako ng kung ano-anong number tapos matutuwa ako pag may sasagot pero ibaba ko rin, tamang trip lang. Tuwing magriring yung telephone, lagi akong nakikipag-unahan sa mga kapatid kong sumagot ng phone, nasa second floor kasi yun kaya tumatakbo pa ko sa hagdan para lang mauna sumagot.

Hapon nun, nanonood kami ng 'Huwag kang kukurap' sa baba at nagring yung telephone, syempre takbo agad ako. Pagkapick-up ko, babae, bata. Kasing edad ko lang rin siguro. Di ko siya kilala pero nagpakilala siya. Siya raw si Princess. Nalaman ko ring pareho kami ng school na pinapasukan. Madami kaming napag-usapan hanggang sa naging friends na kami.

Simula nung gabing yun, tuwing pahapon or pagabi na, tumatawag siya. Siguro halos isang buwan din kaming magkausap, pero siya yung laging tumatawag. Kinuha ko yung telephone number nila para minsan, ako na lang yung tatawag sa kanya. Pero kahit isang beses, di ko natry na tumawag sa kanya, siya palagi ang tumatawag. Sabi niya sa'kin, nakatira daw sila malapit sa gasolinahan. Since pareho kami ng school, pinapapunta niya ako palagi sa section nila pero nung hinanap ko yung section na yun sa school namin, wala naman ganung section.

Hindi alam ng parents ko na may phone pal ako kaya isang gabi, kinwento ko kay mommy yung tungkol kay Princess.

""Mommy alam mo ba, may tumatawag sa'kin tuwing gabi, Princess yung pangalan niya. Pareho nga kami ng school eh, pinapapunta nya ko sa section nila para magkita na kami kaso wala naman yung sinasabi nyang section""

Pinagalitan ako ng mommy ko nun. Bakit daw ako nakikipag-usap sa di ko kakilala. At hiningi nya yung number ni Princess para matawagan niya raw kaya ibinigay ko. Kinabukasan, tinawagan ni mommy si Princess. Babae yung sumagot pero hindi si Princess yun.

Mommy: ""Hello, Andyan ba si Princess?""
Person on the line: ""Princess? Walang Princess dito""
M: ""Yung laging tumatawag sa anak ko, si Princess daw.""
P: ""Wala nga pong princess dito.""
M: ""Pa'nong wala eh ito yung number na binigay nung laging tumatawag sa anak ko!""

Galit na si mommy nun. Hindi yun wrong number kasi 'yun talaga ang binigay niya sa'kin.

P: ""May Princess dito dati. Pero matagal nang patay. 8 years old pa lang siya nun nung magkadengue siya pero hindi agad naagapan.""

Takot na takot ako nung nalaman ko yung sinabi nung babae sa telepono. Nag thank you si mommy at ibinaba nya na yung phone. Nung araw din na yun, dumating yung lola ko galing probinsya. Magkausap sila ni mommy at kinwento ni mommy yung nangyari.

Lola: ""Wag mo nang papasagutin ng telepono yang anak mo, baka naghahanap ng kasama yung bata.""

Simula no'n, hindi na tumawag pa uli si Princess at hindi na rin ako nagkalakas ng loob sumagot ng telephone lalo na pag gabi. Hinding hindi ko malilimutang nagkaroon ako ng kaibigang kagaya niya.

Dora

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon