Shortcut-Rockyroad (FBstories)

450 10 0
                                    


SHORTCUT - " ROCKY ROAD "

So eto na nga, ako yung tao na mahilig magbasa ng horror stories at manood ng horror movies pero matatakutin. Never pa akong nakakakita ng multo at hindi din ako naniniwala sa multo , pero nung January 4 (Monday), nabago ang lahat. Pasukan na namin nun from Christmas vacation. Yung iba sa mga classmates ko tumaba, pumayat at yung iba naman ganun padin.

So ang saya-saya ko lang ng mga oras na yun dahil yung teachers na kinaayawan namin absent at yung iba naman may meeting. Meron akong schoolmate na kababata ko, itago nalang natin sa pangalan na Paolo. Lagi kaming magkasama at lagi din siya pumupunta sa room kapag break. Kaya tila classmate narin turing namin da kaniya. 6:30 na ng matapos ang klase, niyaya ko siya na sabay na kaming umuwi tutal naman magkalapit lang bahay namin.

Napagpasiyahan namin na magshortcut nalang sa tinatawag naming "" rocky road"" dahil mabato at lubak-lubak ang daan na yon. Habang naglalakad pauwi, napansin ko lang na tila may sumusunod sa amin. Talahib kasi ang rocky road at wala pang masyadong tao kaya sobrang kabado ako na may sumusunod na lalaking nakaputi.. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha sa sobrang dilim. Agad kong sinabi kay Paolo ang nakikita ko. "" Paolo! *pabulong kong sinabi* May lalaking sumusunod sa atin.. Kanina pa yan "". Agad tumingin si Paolo sa likod, "" Wala naman ah? Sabog ka? "" ng marating na namin bahay ni Paolo, natakot ako dahil ako nalang mag-isa pauwi. Madilim sa lugat namin. At wala pang masyadong kapitbahay. Habang naglalakad ako pauwi, tumaas ang balahibo dahil papalapit na papalapit na yung guy sa akin. Sumigaw ako ng napakalakas. Naramdaman ko na may humawak sa balikat ko at napamura ako p*ta! At dahan-dahan akong lumingon, nang lumingon ako...... TATAY KO PALA! Jusko tay! Pinakaba mo naman ako! Ikaw tay ah, pinagmamasadan mo kami ni Paolo noh? Nako tay walang something sa amin! Then biglang may tumawag sa akin, phone number ni mama "" Anak nasaan kana? Bilisan mo at kakain na tayo "" NAGULAT AKO NA BOSES NI TATAY ANG NARINIG KO. Nalito ako at bigla akong napaisip, SINO ANG KASAMA KO NGAYON? Lumingon ako at nang makaharap ako, ISANG LALAKING SUGATAN AT SUNOG ANG MUKHA ANG KASAMA KO. Agad akong sumigaw at tumakbo ng mabilis papuntang bahay. Sinabi ko sa pamilya ko ang nangyari, yung lalaki pala na iyon ay natagpuang patay na sinunog ng buhay at itinapon sa damuhan kung saan kami Shumortcut ni Paolo. Nagdasal nalang ako sa diyos na sana hindi na ulit mangyari sa akin yun. Makalipas ng ilang araw, kinalimutan ko na din ang pangyayari na iyon at NEVER na akong dumaan sa Rocky road.

Habang itinatype ko ito ngayon, bigla nalang tumataas ang balahibo ko at nakakarinig ako ng mga bagay-bagay na hindi ko naman maexplain. Nakakatakot pero idadaan ko nalang ito sa dasal.

P.S first time ko lang po gumawa nito, kaya sorry po kung medyo pangit yung pagkakaarrange ko ng mga sentences. Gusto ko lang kasi ishare yung naexperience ko. Thanks.

ChanDara x DaraGon

Bacoor City, Cavite

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon