Phonecall (FBstories)

599 7 0
                                    

"PHONE CALL"

Akala ko kapag maraming tao sa bahay namin sa Bulacan wala nang magpaparamdam pero mali ako. Hindi ko na matandaan kung ilang taon ako nun pero mga elementary lang ako nun. Umuwi yung mga pinsan ko galing Maynila nun para sama sama kame magpasko. maaga namin napagdesisyunan na matulog na dahil magsisimbang gabi kame, Tatlo kameng natulog sa dulong kwarto, yung yung pinakamalaking kwarto sa bahay, Ako, bunso kong kapatid at yung pinsan naming mas matanda sakin. Nung natutulog na kame biglang nagring yung telephone chineck ko kung anong oras na pagtingin ko 3 am na ginising ko yung pinsan ko para sagutin yung phone at baka yung lola namin sa ibang bansa yung tumatawag at ganung oras siya lagi tumawag. dahil katabi niya lang yung phone sinagot niya "Hello...Hello Nay ikaw ba yan bat ayaw mo sumagot?" sabay baba ng pinsan ko ng phone at humarap sakin naiiyak na siya nun tinanong ko siya kung bakit ang sabi niya "Hindi si nanay yun nung naghelloo ako Humihinga lang ng malakas yung sumasagot!!" natakot na kame nun mga 10 seconds lang biglang umuga yung kama! take note nasa sahig lang yung makapal na kama nun yung may mga spring tiningnan ko yung kapatid ko kung pinapadyak nanaman niya yung paa niya at baka siya lang nagpauga ng kama abaaaa Hindiii sobrang himbing ng tulog ng kapatid ko umiiyak na kame ng pinsan ko bumilang ng tatlo yung pinsan ko para tumakbo kame papunta sa kwarto ng mga pinsan namin pag bilang niya ng tatlo siya lang nakatakbo naiwan ako ginising ko kapatid ko pag gising niya biglang umuga ulit yung kama sabi ko sakanya tumakbo na kame pag sigaw ko ng takbo... di pa man ako nakakasigaw tumakbo na kame pagdatingnamin dun sa kwarto umiiyak parin pinsan ko pati kame ng kapatid ko sobrang nanginginig ako nun walang paglagyan yung takot na nararamdaman naming 3 nun..kaya simula nun natatakot ako sumagot ng tawag at sa maugang mga kama.

- Mymelody

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon