Mix stories (Fbstories)

619 6 2
                                    


Maligno , Dasal , Bintana ,Halik "Hi im Jaymie, first time ko mag share ng stories ko dito, ayon po ito sa totoong kwento at pangyayari sana magustuhan nyo salamat! , ✌✌

MALIGNO

Taong 2011, sa bahay ng aking lolo kami nakatira, sa makati,kakatapos lang namin mag gabihan at ako ang nakatoka sa paghuhugas ng plato, at habang hinuhugasan ko aming pinag kainan, pakanta-kanta pa ko ng napansin ko banda sa may bintana ng lababo namin, ay parang may nakatingin sakin, pag tingin ko sa bintana hndi ako ng kamali at may nakita ako maitim na tao Talaga naman napaka itim ng balat nito at Hindi naman kalakihan na tao, at nanlilisik at namumula ang mga mata nito, sa mga oras n yun hndi ako makasigaw kahit gstong gsto ko sumigaw ni hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, natakot tlga ako dhil ngkatitigan tlga kami at nagkaroon ako ng lakas para tumakbo paakyat ng kwarto, habang paakyat ako nadapa-dapa pa ko sa hagdan sobrang takot, at pag akyat k tinanong nila bakit namumutla at tumatakbo ako paakyat, kinuwento k sknila ung nkita ko at bumaba sila pa tignan pero pagtingin nila wala nmn ibang tao, sobrang natakot tlga ako at hndi na ko naghuhugas mag isa at pinalagyan n ng ate ko ng kurtina ang bintana para may takip. ..

Dasal

Pag katapos ko makita ang taong itim sa aming bintana, hndi ako nakatulog at talaga nmn ng kasakit ako, sinabi mg tita ko na dalhin nga ako sa mang gagamot para malaman bkit ako ngkasakit. At hndi ngdalawang isip ang kapatid ko na dalhin ako duon sa snabing mang gagamot, may ginawa siyang parang ritwal bgo mag gamot, dasal2 ganyan. Pag tapos nya akong gamutin lumabas sa tawas nya ay isang dewende na itim. At pinakita nya sa amin ang piraso ng papel at hugis dewende at kulay itim, ang kulay nito. At nakauwi na kami sa bahay, at tpos n din mag gabihan, at dahil ayaw nila ako iwan sama sama kaming natulog sa isang kwarto, at sabay2 kami nag dasal. At habang ng dadasal kami biglang lumakas ang hangin sa aming paligid at nakakalampagan ang mga plato at kutsara sa baba ng aming bhay, takot na takot kaming lahat kaya naman pati ang pagdadasal nmin ay mali mali n ang bigkas. Yung tipong ayaw nilang ituloy namin ang pagdadasal, at sbi mg ate ko lakasan daw nmin ang pagdadasal. Hanggang sa matapos nmin ang dasal at naging kalma na ang paligid

Bintana

Nag aagaw ang liwanag at ang dilim ng ako ay makatulog sa aming kwarto, sanay kasi ako nakapatay ang mga ilaw kpag natutulog, sakto naman kararating lang ng tita ko galing trabho at umakyat siya para magbihis, pag labas nya ng kwarto nya at bukas nmn ang pinto ng aking aming kwarto may nakita syang anino na may nakasilip sa bintana parang tila pinagmamasdan ako matulog, ng lumapit ang tita ko bigla ito nawala ng napakabilis, kaya naman ginising nya ako at binuksan ang ilaw, at ikwenento ang nakita nya, simula nun hndi n ko nagpapatay ng ilaw kpg matutulog at hndi n rin ako pinatutulog mag isa.

Halik

Madaling araw habang ako ay natutulog, katabi ko ang 2 kong kapatid, pkramdam ko may humahalik sa leeg ko. At sa buong katawam ko, at dahan dahan binababa ang salawal ko, nkikita ko ang gngwa sakin ngunit hndi ko makita sa panaginip ko ang gumagawa sa akin nito, at tlga parang may gngwa saakin kakaiba, nagising ako sa panaginip ko. Parang totoomg totoo, patingin ko sa akinh salawal nakababa ito hanggang hita, nakagawian ko n kasi matulog ng naka dress lng at minsan nmn at malaki tshrt lang, nagtataka ako ng makita ko nakababa na ito, at ang mga katabi ko kapatid k at silay tulog n tulog, natatakot na talaga ako, at 2 beses iyon nangyari sa akin, ikwenento ko un sa mga kapatid ko at natakot n din sila kasi nga baka hinahalay n ako mg di namin nalalaman, nagpunta uli kami sa mang gagamot na unang gumamot sa akin nung ngkasakit ako, ganun padij amg ritwal , at lumabas sa tawas ay anino padin at sinabi nya din gustong gusto raw ako ng malignong iyon, at nabangit pa niya na gusto akong kunin para maging prinsesa, at nagtutugma nmn iyon sa aking mga panaginip na minsan naglalalakad ako sa isang hardin na napaka ganda ng mga bulaklak at tlaga nmn ngyon lang ako nakakita ng ganung bulaklak, patuloy akong naglalalakad at pumasok sa malaking bahay, hindi k alam may kausap ako pero bakit hndi ko sila makita, at pilit pinakakain sakin ang pagkain n nakahain, hindi ko tlga yun kinain at pilit nilang pinasusubo, hanngng sa nagising nalang ako umaga na pala, at kakaibang panaginip nnmn iyon.. Sunod sunod na takot n ang nararamdaman ko, pakiramdam ko nababaliw na ako, nattakot n din ako magsabi sa ibang tao baka hindi ako paniwalaan at baka ako ay pag tawanan lamg, kaya pinasya kong itago nalang ito..

jaymie

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon