Marissa The unwanted ghost pt 2

557 10 2
                                    


Si marissa ay isang studyante na kung saan madaming kwento ang nagsasabi na ginahasa daw ito sa isang palikuran ng babae sa iskwelahan namin at ang gumahasa sa kanya ay isang gwardya.

Chapter 3:

2nd year college padin ako nung naranasan ko ulit ang mga pagpaparamdam nya di ko alam kung bakit madalas ko syang maramdaman at makita siguro dahil active nga ang third eye pero bakit ganun parang madalas sya magpakita sakin? -___-

Week before midterms namin kailangan ko nang mag review para makapasa sa napaka kritikal na mga exam namin. Majority na mas prefer ng mga studyante samin na mag review sa school kesa sa bahay kaya nung week na bago yung exam namin madaming studyante ang pumapasok ng maaga para mag review hindi daw kasi sila maka focus sa bahay pero sabagay sa school kasi namin tahimik naman kung saan saang sulok, kaya medyo creepy talaga.

5:45am (estimated time) nasa school na halos kaming mag kakaklase. Hindi pa bukas ang library namin kaya sa labas lang kami pakalat kalat pero hindi kami masyadong nag kukwentuhan kasi busy kami kaka review kahit yung iba nakaupo na sa corridor tapos yung iba nasa hagdan etc. Basta kung saang alam nilang makaka focus sila sa pag rereview :) . Wala namang bagay na naramdam ako sa mga oras na yun at pabor ako kasi focus talaga ako sa review. 7am pass nagbukas na ang library .. Remember sa previous story nito 7am din ang pasok namin sa room? Pero may mga subjects kami na 8am ang start kaya may 1hr pa kami para mag review sa library. Ang library namin ay napapalibutan ng mga salamin yung salamin na kita pati labas.. So nakikita namin yung dumadaan sa magkabilang side sa ENTRANCE and EXIT side.

Naka pwesto ako banda sa sulok na sa aircon para presko utak ko haha. Pero nakaharap ako sa labas kaya kita ko ang dadaan.

Take note: Ang Library namin ay katabi ng CR ng babae sa 2nd floor na kung saan doon madalas mag paramdam si marissa.

Halos madurog na ang utak ko kaka memorize ng mga keywords sa reviewer pero nung nagpahinga ako saglit, sumandal, at napatingin sa salamin para makita ang labas nagulat ako na may nakatingin na pala sakin na babae at sya padin yung nakita namin mag kakaklase sa last story ko nun pero imbis na naka ngiti sya tulad nung nakaraan e hindi, malungkot sya at madaming dugo sa bandang leeg at may luha pero hindi ko padin mailarawan yung mismong muka nya dahil para syang image na nabuo lang sa fog. Gusto kong magmura na dahil sa sobrang gulat ! Pero hindi pwede kasi nasa library ako kaya ang ginawa ko yumuko at unti unting tumayo at lumipat sa gitna na upuan na nakaharap naman sa librarian para ma continue ko ang pag rereview. Pero mula sa oras na yun di na ako naka focus sa review.

Chapter 4:

3rd year college na ako nun kaya minsan nagiging pasaway na kami umuuwi na kami ng bahay ng gabi kasi madalas kaming mag basketball sa school ng gabi after ng class (5pm uwian kasi whole day kami sa school) diretso bihis na kami ng pang basketball. Sa 4th floor kami naglalaro kasi nandun yung gym namin start kami ng mga 7pm na..

Yun nga naglalaro lang kami play.. Play.. Play.. Nung natapos kami mag laro mga 10pm diretso kami sa CR sa 3rdfloor yung ibang mga kasama ko maglaro. Grabe halos kaming lahat naguunahan mag bihis kasi patay na lahat ng ilaw sa corridor sa 3rdfloor -__- tanging CR nalang ang may ilaw nahuli kaming tatlo ng kaklase ko nauna na yung iba kasi naghihilamos pa kami kwentuhan bla..bla..bla..

Patapos na kami magbihis actually suklay nalang talaga. Pero nagulat kaming magkakasama kasi biglang nag flush ng kusa yung urinal sa dulo e wala naman nakarating samin doon at Nagtataka kami kasi may tumawa na babae mula sa cubicle -___- deym! Alam na! palabas na sana kami nun nagtinginan kami mag kakaklase at sabay takbo!!! Waaa! Takte halos magkadapa dapa kami kasi madilim sa dinadaanan namin di masyadong maliwanag Bumaba kami ng mabilis! At nasa ground floor(1st floor) na kami at nagtatakutan at napa tingala ako sa 3rd floor sa may hagdan nakita ko sya..

Si marissa nga :(

At nakatingin samin punong puno sya ng dugo at magulo na ang buhok nya 😖 at... at...Naka ngiti ulit sya na para slit-mouthed ba yun? Ang ginawa ko ngumiti din ako sakanya sabay talikod pero deep inside takot na takot na ako nun. 😭


Nalulungkot ako para kay marissa sa nangyare sakanya kung pano sya namatay at kung gaano nya kailangan ng tulong pero sa totoo lang di ko alam kung paano sya matutulungan araw araw sa tuwing papasok ako lagi na akong nag dadasal mula noon nararamdaman ko nalang sya.

Salamat sa pagbabasa pasensya kung di masyadong nakakatakot mag ingat palagi at pray lang thanks spookify more power godbless."

Sec B

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon