The Girl who seeks for justice (FBstories)

570 6 0
                                    


The girl who seeks for justice

First time ko magsheshare ng story rito sa spookify, and sana nga maipost ito.

May babaeng bagong lipat rito (I won't mention the location na lang). And kapitbahay naman siya. Tumagal naman siya rito for 5 months, pero di nagtagal biglang may kakaibang nangyare.

Bigla siyang sumigaw ng ilang beses at ang nanay ko at ang mga kamag anak ko lang ang gising sa mga oras na yon dahil mga bandang alas tres na ng madaling araw iyon. Pero di nila to binigyan pansin dahil nga ang atensyon nila ay nasa pinapanood nila at nagcecelebrate. At ayon nga, namatay siya, at nakitang nakahandusay sa bahay niya. May mga saksak siya sa braso, base sa mga nag imbistiga 88 daw ang saksak sa kanyang braso. Kaya daw tumagos na raw ito sa balat niya but the problem is that hindi nalaman kung sino ang pumatay at hindi nabigyan solusyon o hustisya ang pagkamatay niya. That's why lagi siyang nagpaparamdam sa amin.

And here it is. Ang first na pagpaparamdam niya sa amin ay nung 40 days ng pagkamatay niya. Mahilig kasi magpuyat ang nanay ko at mga pinsan niya dahil mahilig nga sila magtrip lalo na pag madaling araw. You know para bang mga tao sila na mahilig magparty and then ayon nga daw. Madaling araw na non nung nakatulog sila (Around 2am). Nakahiga na sila that time, pero di pa rin sila makatulog kahit na nagpupumilit na sila na matulog. May narinig raw si Mama na mga tunog ng uwak na feeling niya nasa bubong lang namin. Syempre di niya na lang ito binigyan pansin kaya pinikit niya ule ang mga mata niya. Pero ng ilang minuto na ang nakalipas, may biglang umiiyak na babae. Nanlake daw ang mata niya at bigla daw siyang napatakip ng tenga, pero kahit takpan niya raw ito, rinig na rinig niya pa ren. Ginising niya ang pinsan niya at tinanong "Naririnig mo ba ang naririnig ko?" tas sabe ng pinsan niya "Oo, wag mo ng itanong. Kinikilabutan ako sayo."

Pero bigla silang nagkatinginan nang may biglang tumawa. As in nakakalokong tawa so napatakbo sila paakyat. Hindi namalayan ni mama na naiwan niya ang cellphone niya, siguro sa sobrang takot so pinakuha niya sa pinsan niya.

"Kunin mo yung cellphone ko!"

"Ayoko! Di ko kukunin yon kahit mag away pa tayo!"

xEdx

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon