League of legends (FBstories)

581 6 1
                                    


League of Legends

"Kakalipat ko lang nun sa apartment ko, then one night I was playing league of legends, as usual, then magkausap kame sa phone ng gf ko.

Tapos nasa kalagitnaan ng game yung tipong napupush na kme at kelangan magseryoso lalo para makabawi sa game, nung biglang may narinig ako sa phoneline na may babaeng umiiyak, akala ko cousin ng gf ko, kasi mahina lang, then maya maya palakas ng palakas na halos nasa tabi na mismo ng tenga ko, juicecolored! Kinilabutan ako talaga tumayo buhok ko sa kilikili! Kaliwa kanan likod taas baba tinignan ko wala akong nakita, then tinanong ko gf ko kung sino kasama nya sa room, sabi nya sya lang daw, akala ko pinagttripan nya ko, pero andun padin yung umiiyak sa line, tapos sabi ko sino yung narinig kong nagsasalita so sya no clue, so takbo ako sa veranda ng apartment, andun padin yung umiiyak so sabi ko hindi sa bahay ko yun. Sabi ko sa kanya baba muna sya sa sala nila, then naguluhan sya kung bakit, sabi ko basta bumaba na lang muna sya, then habang bumababa sya nawawala yung umiiyak hangang sa totally mawala na nung nasa sala na sya. So ayun sinabi ko na sa kanya jung bakit ko sya pinababa, then akala nya tinatakot ko lang sya. Tapos nagend yung call, so uminom muna ko ng water and kumain ng konting snacks habang katext ko sya. Then tumawag ako ulit after 5 mins, tapos pagsagot nya ayun nanaman yung umiiyak, tinanong ko sya kung bumalikba sya sa room, sabi nya oo daw, sabi ko andun ulit yung umiiyak and wag muna sya aakyat dun ng walang kasama kasi ako natatakot para sa kanya. Then ayun mga 30 mins kame magkausap hangang bumalik sya ng room, tapos ayun di ko na naririnig yung umiiyak.

Pero ang pinakanakakatakot dun yung nireport ako ng mga kalaro ko sa lol kasi nag abandon ako ng game bigla. Badtrip yun. -___-"

- Mr. Dejavu

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon