Nice meeting you (Fbstories)

1.2K 5 1
                                    


Nice meeting you

Hi! Avid reader ako dito since kahapon and naeenjoy ko yung mga stories na dito so this time gusto ko ding magshare ng creepy experience ko. Sana mapost to admin! Thank you!

Hindi ako naniniwala sa kahit anong supernatural na mg bagay gaya ng multo, aswang, tikbalang or other sorts related. I prefer believing na may explanation din yun nga mga bagay na di natin maipaliwanag, hindi pa nga lang natin alam. Oh di kaya naman, guni-guni lang natin ang mga bagay-bagay kasi natatakot na tayo in the first place and our minds are just playing tricks on us para matakot pa tayo lalo. But everything changed when this night came.

There was this one time na gumagwa ako ng project ko around 2 am sa kwarto ko. Tinatamad kasi ako gawin agad kaya night before ko na ginawa kaya gising pako ng ganyang oras. Habang gumagawa ako naubusan ako ng glue. Kailangan ko nang tapusin yung project nayun kasi ipapasa na kinabukasan.

Up-down yung bahay namin at nasa second floor yung kwarto ko. Pagbaba mo sa sala may malaking salamin ang sasalubong sayo. Abot kamay mo nadin yung light switches dun sa may salamin. May glue dun sa drawer kaya bumaba na ko para kunin yun.

Pagkakuha ko nung glue mayroon akong napansin. Napatingin ako sa may salamin namin. May babaeng nakatayo sa likod ko. Inches away lang siya sakin yet hindi padin ako naniniwala na may multo sa likod ko at napangiti pako kasi sabi ko pinagtitripan na naman ako ng utak ko. Sabi ko pa sa sarili ko napaka weird mo naman at kakaiba tong multo na nakikita ko. Kadalasan kasi diba ang mga nakikita mo sa tv na white lady mahahaba buhok tas matatangkad. Ito below shoulder lang ang buhok at hindi katangkaran. Hindi ko din naman makilala kasi malabo yung nakikita ko. Unang pumasok sa isip ko para iprove na guni-guni lang yung nakikita ko marahil kasi inaantok nadin ako ay ibukas yung ilaw. Binukas ko yung ilaw at nagulat ako kasi andun padin siya. TInatayuan nako ng balahibo, naguumpisa na akong kabahan. Pinatay ko yung ilaw baka sakaling mawala na. Hindi siya nawala nasa likod ko padin siya.

Ginawa ko nalang tumakbo ako papuntang kwarto nila mommy at daddy para sakanila nako tatabi matulog. Napakaswerte ko naman at nakalock. Napaparanoid nako kasi unang beses ko makaencounter ng ganito. Tumakbo nalang papuntang kwarto ko. Nung nasa kwarto nako, whooo relief feeling ko safe nako kasi teritoryo ko to wahahaha.

Then right after kalmado nako naisipan kong ipagpatuloy nalang yung ginagawa ko. Around 3 am na nung naramdaman kong bumubukas pintuan dahan dahan. Huminto din siya eventually tsaka ko naman naramdaman na ang init. Nakatapat ako sa electric fan ko pero walang hangin. Di ko nalang pinansin yun kasi patapos nadin naman na ako sa ginagawa ko at makakatulog na ko.

3:30 am na nung natapos ako at iidlip nalang ako kasi 5 am din gigising nako. Hindi din ako nakatulog kasi hindi ako mapakali, pakiramdam ko may kumakalabit sakin ohh ewan. Basta pakiramdam ko may nanggugulo sa pagtulog ko. Hinayaan ko nalang at ipinahinga katawan ko kahit gising ang diwa ko.

Kinaumagahan nakalimutan ko na lahat. Hindi padin ako naniniwala sa multo kahit may naexperience ako ganun. Lumipas ang ilang araw nang may napagusapan kami habang kumakaing pamilya.

Nv

Daddy: Ohh sabi ni Nanay (lola) wala na daw yung kapatid niyang taga Pangasinan.

Me: *sa isip lang* putek naman kumakain eto pinaguusapan namin

Mommy: Ohh bakit daw?

Daddy: Di ko alam ehh basta daw 12 am - 3 am mga ganyang oras daw pumanaw.

Me: *napapaisip na ako*

Me: Daddy nagakakilala ba kayo nung kapatid ni Nanay?

Daddy: Oo nakikilala ko pa nga siya ehh.

Me: Maganda? Explain mo nga kung ano itsura parang nakita ko siya sa Facebook.

Daddy: Oo naman maganda, kapatid ni Nanay ehh hahaha. Di naman katangkaran mas matangkad ka pa (matangkad kasi ako lol) atsaka parang mommy mo buhok below the shoulder lang.

Mommy: Daddy naman sakin mo pa kinumpara!

Then nung narealize ko na siya nga yung nagpakita sakin base sa sinabi sakin ni Daddy, umamin nako kinwento ko yung nangyare sakin. Sabi nila sakin ganun daw talaga pag namamatay binibisita mga mahal sa buhay bago umakyat nagkataon lang na ikaw lang gising kaya siguro sakin nagpakita. Sabi ko nalang din sa sarili ko "haha nice meeting you lola!"

After niyan naniniwala naako sa multo kahit papano pero hindi ako natatakot sa kanila. Next time kasi alam ko na gagawin ko haha lol. Well atleast naprove ko padin yung pinaniniwalaan ko na may explanation lahat nang nangyayari sayo.

Moral of the story - Gagawa agad ng project nang di ginagabi.

-White Lantern

White Lantern Classified

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon