Teacher (Fbstories)

551 13 1
                                    


Teacher

Hi, I just wanna share this. Nangyari to nuong Grade 6 ako, 12 yrs old ako that time, Sa school namin nangyari.

Umaga non, habang nagtuturo yung teacher namin bigla nalang sya nagalit, ganto ""Please quiet!! Wag kayong maglaro sa oras ng klase! (Habang tinuturo nya yung katabi ko which is upuan lang, absent kasi yung kaklase ko nun) ""Hoy, diba sinabi ko na wag kayo maglaro. Bat ba batuhan kayo ng batuhan ng papel, di kayo titigil? Labas! Labas!"" Nagkatinginan kaming lahat ng mga kaklase ko kase nga wala namang naglalaro sa loob ng room. Kitang kita sa muka ng guro namin na galit na galit sya, sabay turo sakin ni sir, and I was like ""Yes po sir? Ako po ba yung tinuturo nyo?"" - ""No! Yung nasa likod mo, nakatayo. Palabasin mo yan, sumasakit ulo ko sanyo. ""Po? Sinu pong nasa likod? Wala po sir. And mawalang galang napo, pero wala naman pong naglalaro kanina, at wala po akong katabi (which is tinuturo nya kanina) Napakamot sa ulo yung teacher namin then he say's sorry.

Mejo kinabahan kami nun kase first time ni sir magganun. Pero hinayaan nalang.

At Recess time nagkakwentuhan kami ng kaklase ko about sa nangyari kanina, We don't know kung totoo ba or nag jojoke lang si sir, pero imposibleng mag ganun si sir.

After recess time, dumating na yung teacher namin, si Mam (Math teacher) Habang nagtuturo sya maya maya nangamoy sampaguita. Una di masyadong amoy pero habang tumatagal parang as in nasa ilong muna nakadikit ung sampaguita, napatigil ung teacher namin then sabay tanong ng ""naaamoy nyo"" sabay tinginan kaming lahat ""OPO mam"" hanggang pati ung katabi naming room ay nag iingay na mga istudyante tas lumabas ung teacher dun pati teacher namin, naamoy din pala nila hanggang sa lumabas din ung isang teacher sa sunod na room dahil na amoy din, ung pangyayari is nagmula sa room namin ung amoy sumunod sa katabing room hanggang makarating ng dulong room. Dulo rin ang room namin nun. Nagtaka kami pero mga nagtawanan nalang pagkatapos, after 10 mins nag amoy kandila naman, ganun din ang nangyari, sunod sunod ulit ang amoy sa bawat room. Tinigil ng teacher namin ung pagtuturo, nag ingay din mga studyante habang naguusap usap ung mga teacher sa labas.

*uwian*

Hindi muna agad ako pinauwi ng teacher ko, inutusan nya kong umakyat ng 6th floor (Bodega area pa) 3rd floor ang room namin, ang 6th floor kasi is bagong gawa palang,pero dahil dipa tapos madumi at maalikabok pa, sa 6th floor ay may 12 na room. Mag isa lang ako nung umakyat pero takot talaga ko kasi pinaguusapan ung floor na un na may mga nagbubulungan daw sa bawat room. Pag akyat ko hinanap ko agad ung room na may mga libro, dun kasi lahat tinambak, ung tatlong libro lang na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ung kukunin ko, at nakita ko naman agad. Habang pinupunasan ko, kasi nga maalikabok, biglang may sumitsit sakin, ung nag echo pa. Hinayaan ko lang kasi akala ko ung kaklase ko lang, maya maya sunod sunod na ung sit sit nya. Sabay sara ng pinto eh di naman mahangin kaya akala ko kaklase ko. Bumukas ang pinto tas nag sara ulit. Mejo kinabahan nako kaya di ko na tinapos ung pagpunas lumabas nako agad pero pagbukas ko ng pinto may bumungad sakin agad, ung teacher ko pala. Nakangiti lang sya na nakatitig lang sakin ng matagal tas sabi ko ""Ay mam sorry po, natagalan po ba? Eto napo ung pnapakuha nyo."" Nagtataka ko kasi nakangiti lang sya, then hnawakan nya ung kamay ko sabay turo sa kabilang room, parang snasbe nya na pumasok kami dun.

""Mam, anu pong gagawin natin dto? Kala ko po ba, nagmamadali kayo?"" (diparin sumagot) Nagtaka nako, siguro 30mins din kaming nasa room nun.

Isip isip ko, anlakas ng trip ni mam. Nag decide nako bumaba kunyari naiihi nako nun, mejo advance utak ko that time, inisip ko na baka di si mam ung kasama ko, nagmadali akong bumaba, pagbaba ko nakasalubong ko si mam, sabi nya ""oh bat andito kapa? Kala ko ba uuwi kana? Pagkabigay mo nang libro dumiretso kana labas ng room ha? ""Po? (nagtataka ako)

Eh, mam, kaka baba ko palang po, bat po kayo andito eh asa taas po kayo diba?"" nagtaka din si mam pero ngumiti nalang. ""ay nako iha, umuwi ka nalang anung oras na din oh. ""sige po.""

Nagtataka parin ako nun habang naglalakad pauwi, napapaisip ako kung bakit ganun si mam, nagbibiro lang ba sya?"" Ewan. ---

Kinabukasan,

Nabalitaan nalang sa buong school na patay na si Mam. Naaksidente daw pag uwi. Dead on Arrival daw. Di ako makapaniwala kasi parang kahapon lang eh magkausap lang kami.

Simula nun lagi ko ng napapanaginipan ung huling convo namin bago sya mawala, as in sunod sunod.

End*

- Mirabells

Pasig City

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon