Clown and Matryoshka Dolls (FBstories)

616 19 0
                                    


Clown and Matryoshka Dolls

Hi readers, caution bago magbasa : Detailed ako mag describe para napi-paint ko yung senaryo. Pasensya kung boring. Pero lahat totoo.

Lumaki kaming magkakapatid na malayo sa granparents namin sa mother's side (di ko na naabot grandparents ko sa father's side). Apat kaming magkakapatid, bunso ako. Yung mga kapatid ko nung high school sila kapag bakasyon nandun sila nagsstay kina lola. Yung kapatid kong lalaki na pangalawa, yun lang naging close sa lolo't lola ko. Kaming tatlo nina ate at kuya #2, hindi. Sabi nina mama doon daw ako lumaki mula 3 months old hanggang 5 years old. Di ko matandaan, sa totoo lang. May mga kalat kalat na memorya pero walang malinaw na picture. Dumadalaw dalaw kami sa bahay na yon siguro once a year simula nung mag elementary ako.

Noong first year high school ako(January 2002) namatay si lola dahil sa komplikasyon sa diabetes. Di ko alam mararamdaman ko. Kahit isang beses kasi di ko natandaan na nakakwentuhan ko ang lola ko.

Noong summer ng 2002, dapat magbabakasyon ako kina lola kaso si lolo at katulong na lang nandun. Tumuloy pa rin ako kasi nagbabaksyon din doon mga pinsan kong babae. Doon ko pinagmasdan ang bahay. Maaliwalas sya. Di sya yung tipikal na pang horror movie kahit luma na. Concrete sya at elegante (buena familia daw sina mama noong panahon). Di sya mansyon pero halatang malinis at masinop ang mga tumira. Maraming pictures na naka frame sa kahoy. Mga baby pictures nina mama at mga kapatid nya. May divider sa sala na puno ng maliliit na sculptures at mga souvenirs galing sa iba ibang bansa. Sa gitna ng divider nandon ang tv. Sa likod ng sofa may lumang player ng plaka. At madaming lumang plaka sa mga drawer. Di ko alam kung gumagana pa yon. Sa right side ng sala nandon ang pinto ng kwarto ng lolo ko. Sa labas ng pinto may malaking brass sculpture ng elepante. Andaming mga sculpture sa bahay. May maliliit, may malalaki. Sa pinakagilid ng divider may 3-foot tall na clown toy. Yung may pihitan sa likod tapos tutunog. Galing daw yun ng germany. At antigo na. Kaya naka enclose sa glass na may butas para mapihit pa din at tumunog ang creepy na clown. Sa kabilang dulo naman may matryoshka doll na kasingtangkad ng clown. Ceramic. Bakit ba ang daming sculptures at dolls sa bahay na yon. Meron ding mga lumang barbie na collectibles sa pinakatuktok ng divider. Sa likod ng divider ang daan papuntang kitchen. May screen door papunta sa kitchen at sa may pinto may bookshelf na hanggang kisame.

Fast forward sa 3rd year death anniversary ng lola ko. Dumalaw kami doon sa bahay. Sa likod ng ginawan ng extension para sa may kwarto ang mga bisita. Pero kaming magpipinsan. Pati yung bagong katulong sa sala kami natutulog. Nanonood kasi kami ng tv pag gabi. ( noong buhay pa daw kasi si lola bawal mag tv ng past 8pm. Kung gusto mag paantok, magbasa) naka air matress kaming anim. Kasama si rona, yung kasambahay. Mga 10pm na ng pinatay namin yung tv at nagdecide na matulog. Ako ang nasa dulo malapit sa divider. Nagising ako ng dahil sa sobrang lamig. Nakipalit ako ng pwesto kay rona, na katabi ko at ka share ko sa kumot. Nakatalukbong kami pareho ng tinapik nya ko. May nagpalakas daw ng fan kaya sobrang lamig. Sabi ko 'ano?' Antok na antok ako at di ko pinansin, tumalikod ako kay rona nang biglang may narinig kaming click. Yung pindutan ng fan. Humina yung hangin. Humarap ulit ako kay rin at tinanong ko kung sino yun. Di nya daw alam. Baka si lolo, sabi ko. Kasi kung sina mama yon maririnig namin silang pumasok kasi yung screendoor lang sa kitchen ang daan papuntang sala. Di kami nagsalita. Nakiramdam lang kami. Medyo matagal din nung nag click ulit yung fan. Lumakas na naman. Tapos nag click ulit, humina. May naglalaro nga electric fan. Na nasa tabi ng divider. Parang namutla ako sa takot. Nagkakatinginan lang kami ni rona sa ilalim ng kumot. Biglang yumakap sakin si karen. Yung pinsan ko na sunod sakin ang edad. Nabigla ako at kinabahan ( leche ka karen). Bumulong sya kung sino daw yon. Di daw sya dumidilat sa sobrang takot at nagpupumilit sumiksik sa kumot. Pinapasok ko sya sa kumot dahil malaki naman. Nakiramdam kaming tatlo habang tulog na tulog ang tatlo ko pang pinsan. Biglang bumukas ang pinto ng book shelf. Yung tipong salamin na ipi-press mo sa gilid para bumukas. Naririnig namin lahat. Alert na alert kami. Pagkatapos narinig namin may humihila ng tumba tumba na nasa likod mismo ng divider. Papalapit yung tunog. Tumigil. May umupo. Matagal na tahimik. Nakapikit na ko parang gusto ko na matapos lahat. Naiiyak na si karen. Nakahawak sakin si rona. Takot na takot din. Di kami gumagalaw. Sumunod na ang tunog na naglilipat ng pahina ng libro. Dahan dahan. Tumigil ulit. May mahinang ingay na parang humming. Di ko sigurado kasi baka utak ko lang yon na pinapakalma ako. Kung sino o ano man yung nakaupo sa tumba tumba, tumayo sya. Hinila pabalik yung tumba tumba. Bumukas ulit yung bookshelf. Wala ng ingay. Wala kahit isang pinto na bumukas. Para na naman nahulog ang puso ko nang nag click ang electric fan. Pinatay ang fan ng kung sino o anuman yon. Matagal kaming di umimik at gumalaw. Tahimik na naluluha na si karen. Medyo mainit na pinapawisan na kaming tatlo pero walang gumagalaw at umiimik. Humigpit na naman ang hawak ni rona sakin ng narinig naming may pumipihit ng clown toy. Yung tatlong talampakang weirdong laruan. Alam ko na alam nyo ang tunog ng de pihit na laruan. Hinintay namin ang tunog na kasunod ng pihit pero wala. Ang kasunod na tunog ay parang may nilalapag na mabibigat na bagay sa divider. Para na kaming masisiraan ng bait sa kung anu anong naririnig namin. Tahimik na tahimik na. Siguro mga isang oras kaming di gumalaw. Nakatulog na si karen na nakayakap sakin. Si rona nakatingin lang. Parang lumiliwanag na. 6 am na ata noon. Kaya inisip namin na around 3 or 4 nangyari ang mga yon. Bumangon na si rona. Umupo sa sofa sa paanan ng air matress. Parang gumaan pakiramdam ko kasi parang panaginip lang. Tinawag ako ni rona at tinuro ang divider. Nakalabas ang matryoshka dolls. Magkakatabi na imbis na naka stack. Bukod doon. Wala naman bago sa paligid. Ang electric fan naka off pa rin pero napansin namin na ang lapit na samin ng fan. Wala na sa tabi ng divider.

Pumasok na sina mama at tumungin samin ni rona. Ano daw nangyari samin. Di kami umimik ayaw kasi ni mama at ng mga kapatid nya ng mga kwentong nakakatakot tungkol sa bahay. Igalang daw namin ang bahay. Pinaglinis na kami ni mama at tita dahil darating na daw mga bisita pag 10am. Nakasanayan na naming magpipinsan na punasan lahat ng mga display sa divider. Pero wala samin ni karen ang gustong lumapit doon. Si rona nasa kusina na. Inutusan ni karen si paula na magpunas ng divider. Okay lang daw pero ayaw nya magstack ng matryoshka dahil mababasagin at mabigat. Kaya sabi ko ako na lang. Di ako natatakot dahil maliwanag na. Mas natatakot ako sa clown toy na nakaupo at naka yuko. Parang nakasalampak lang sa sahig ng glass case nya.

Halos mabitawan ko ang huling matryoshka na hawak ko ng biglang tumunog ang clown toy. Oo nga pala, may pumihit non ng madaling araw.

Maggie

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon