Panaginip

584 11 2
                                    


"PANAGINIP"

Hello guys share lang po ulit ako ng karanasan ko hindi naman masyadong creepy pero sana wala pong mang babash Nangyari to noong feb 3, 2013 so eto na nga po nanaginip ako na yung papa ko patay na at nasa kabaong na siya. Iyak daw ako ng iyak habang kinakausap ko siya "pa baket? baket mo agad kami iniwan?" at dun na naputol yung panaginip ko dahil bigla akong nagising sa sobrang init. Pero after ng panaginip ko na yun ETO ANG ISANG MASALIMUOT NA KAGANAPAN NA HINDING HINDI KO MAGAGAWA NA KALIMUTAN feb 7, 2013 4days lang ang lumipas mula nung mapanaginipan ko yun. (so pwede pala, pwede palang magkatotoo ang panaginip. Kadalasan kasi kabaligtaran diba) so ayun na nga po nasa perya papa ko pag uwi niya biglang naninikip na yung dibdib niya at yung pawis niya butil butil na, parang akala mo tumakbo ng pagkalayo layo. Nung una ayaw pa niyang magpadala sa ospital PERO NAPAPANSIN NAMIN NA SIMULA SA LEEG NIYA PATAAS NANGINGITIM NA (at sabi nga nila once na ang taong buhay ay biglang bumigat, e mamamatay na daw) so yun na nga po itinakbo na siya sa ospital nung una panatag lang ako dahil alam ko na kaya niya yun at makakarecover pa siya. Pero after niyang turukan ng sampung beses at i-pump ng sampung beses (feb 8, 2013 2:30AM) dun na sinabi ng doctor sa mama ko na patay na papa ko PARANG GUMUHO YUNG MUNDO KO SA NARINIG KO Hindi lang pala kabaligtaran ang panaginip pwede din pala magkatotoo. Sa sobrang sakit ng pagkawala ng first love ko parang gusto ko ng sumunod (papa's girl kasi ako kaya sobrang sakit talaga sakin at hindi agad ako makalimot sa nangyari) pero naisip ko na kahit wala na siya kailangan tuloy lang ang buhay kasi nandiyan pa naman ang mga kapatid at mama ko. Hi pa, kung nasaan ka man ngayon alam ko masaya ka na sa kinaroroonan mo basta lagi mo lang kaming babantayan lalo na yung bunso mo at mga apo mo mahal na mahal ka namin at miss na miss ka na namin. Malapit na birthday mo advanced happy 57th birthday papa Hanggang dito na lang po sana magustuhan niyo kahit hindi masyadong creepy. Thankyou!

chuchay•

papa's girl-

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon