Boardmate (FBstories)

607 12 0
                                    


Board Mate

Hi. First time ko magsubmit ng story online. This is my experience during my 1st year college life sa isang university sa Quezon Province.

First time ko magboard non. Syempre hindi ako pumayag na magboard na walang kakilalang kasama sa bahay. Buti nalang, may mga kaibigan ako na naghahanap parin ng makakasama kaya kami nalang yung nagrent sa isang kwarto. Masaya kami lagi, kwentuhan, kung ano anong trip. Inuman, foodtrip. Yung bahay na tinitirhan namin, dating naging kainan at marami narin daw ang tumira doon. Marami din nagsasabi na medyo nakkatakot lalo na't may underground room don. Kulong yung bahay. So medyo madilim kahit umaga. Until isang gabi, apat lang kaming natira sa bahay. Tulad ng lagi naming ginagawa, kulitan, harutan, asaran. Yung isa, tulod sa taas ng kama. Ako at yung isa lang na kasama namin ang natirang magkwentuhan si John (di totoong pangalan. Nakita namin yung isa pa namimg kasama, si Joseph ( di tunay na pangalan) na matamlay at medyo weird. Nakapulupot sya sa kumot nya at ayaw humarap samin.

A: Joseph paload naman ako.
Jos: Halika dito.
A: Wag na. Sa number ko ha? 30pesos lang.
Jos: lapit ka dito. bigay mo bayad.
A: teka

Lumapit ako sa kanya. Bigla nya kong hinigit at nilingkis at kinagat yung ulo ko. Nung una di pa ko natatakot kasi ganun naman harutan namin. Parang wrestling. Mas natakot kami sa susunod na ginawa nya. Matutulog na kami noon. Nakahiga na kami lahat nang bigla syang nawala sa paningin ko, si Joseph. Nakita ko gumagapang sya sa ilalim ng mga kama papunta sa hinihigaan namin ni John. Pagktapos non, tawa sya ng tawa. Nakita namin ang mata nya, nanlilisik at pulang pula. Dun na kami nagsimulang matakot ng sobra. Nagtutulakan na kami ni John. Hindi rin kami makalabas ng pintuan dahil sya yung nakahiga malapit dun at nandun sya. Pinagmumura namin sya at sinabing hindi sya nakakatuwa. Nagalit sya at nagulat kami nang maglalagan lahat ng gamit ko na nasa itaas ng kama ko. mga libro at notebooks. Natatakot na talaga kami. Yung isa naming kasama, tulog padin. Mahimbing. Naghahabulan kami sa loob ng kwarto hanggang sa makalabas na kami ni John. Malas! Nakalock yung gate. Hindi kami makalabas ng bahay. Paikut ikot kami sa salas at cr ng bahay. Nagtago kami ni John sa magkahiwalay na lugar. Natakot kami lalo nung pintay ni Joseph lahat ng ilae sa bahay at tinatawag ang pangalan namin na para bang naglalambing at tumatawa. Mangiyak ngiyak na kami dahil alam namin na may hindi magandang nangyayari. Nagulat kami na lahat ng tinataguan namin, yun yung una nyang pinuntahan at tuwang tuwa sya pag nakikita nya kami sa pinagtaguan namin. Pumasok ulit kami ni John sa kwarto at tumalon sa mababang terrace ng bahay para makalabas ng bahay. Umuulan noon. Walang kami sapin sa paa, naghanap kami ng mapagpapaloadan ko para tumawag dun sa may ari ng bahay na inuupahan namin. Hindi sya macontact. Tinry ko tawagan si Joseph, sumagot sya

A: Hindi na magandang biro to! Sadabihin namin to kay Tita Cleng (may ari ng bahay)
Jos: Sige subukan nyo! Papatayin ko si Jojo( yung isa naming kasama sa bahay na mahimbing na natutulog)
A: T#nG+*a m*!

Sabay patay ng tawag at nagmamadali kaming bumalik sa bahay. Pagdating namin dun, bukas na yung gate, na kanina lang nakalock dahil dala nung may ari ng bahay ang susi. Laking gulat namin. Nakita namin sya nasa labas ng bahay at tawa ng tawa.

Jos: uwi na kayo. Hindi ko na uulitin. Nagbibiro lang ako.

Hindi kami nakinig at dali daling tumakbo papunta sa ibang bahay ng kaibigan. Nung makarating kami sa bahay. Narinig namin si Joseph na kumakatok sa ointuan. Nagulat kami dahil hindi nya alam na dun kami pupunta. Maya maya pa nawala na sya. Nagpasama kami dun sa mga nasa kabilang bahay. May dala kaming asin. Tinawagan rin namin si Tita Cleng at wala pa kaming sinasabi sa kanya, alam na nya na may nangyayaring di maganda sa bahay nya. ok na lahat pagdating namin sa bahay. Nakatulog na kami ng maayos. Kinabukasan dumating si Tita Cleng may kasama syang isang babaeng matanda. Sinabi agad ng matanda ng punung puno ng tensyon at emosyon ang bahay na tinitirhan namin. Kinweto ng matanda kung anong nangyari kagabi. Sinabi nya na sa isang lugar sa University, dahil Agriculture ang course nya,may nagmamatyag kay Joseph at gusto syang kunin at dalhin sa malayong lugar. Nakakapagtakang alam nya lahat ng nangyari kahit wala kaming ikinekwento sa kanya. Sinabi pa nya na dapat hindi namin iniwan si Joseph dahil baka bigla nalang syang mawala na parang bula. Isang malakas na babae ang nagmamatyag kay Joseph. Alam ni Lola lahat ng hinanakit namin sa buhay na sya naming ikinahanga at nagpapaniwala samin sa mga tanong namin nung gabing mangyari ang lahat. Mahirap paniwalaan, pero isang paalala lang na mag-ingat sana tayo sa mga lugar na tinatahak natin. May mga bagay bagay sa mundo ang hindi natin nakikita pero sya nating nadadama. Salamat. "

Papa P.
Laguna

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon