Wala Kasing Forever (FBstories)

558 8 1
                                    


Wala Kasing Forever

Hi po :) gusto ko lang po magshare ng kwento. Hindi po ako yung nakaranas at hindi ko po kilala yung nakaranas nito. Pero nagpasalamat nalang rin ako dahil hindi ako yung nakaranas haha. Kinwento lang po ito ng boardmate ko at tumayo talaga balahibo ko dito.

Ayun sa boardmate ko po, bago po kasi siyang lipat galing sa ibang boarding house (hindi ko alam kung nasaan), basta po. Ang dahilan po ng paglipat niya ay yung experience niya sa dating boarding house niya. I mean, hindi rin siya ang nakakita pero boardmate lang din niya yun dun. Itago nlng natin sa pangalang Liz yung dati pong boardmate ni Cari (Si Cari po yung boardm8 ko ngayon). Si Liz po ay may asawa na po daw. Si Rex. so ito na po. May dalawang palapag ang boarding house daw na yun at luma na raw. ang kwarto nina Rex at Liz ay nasa second floor. Mga alas syete daw ng gabi, nasa baba si Liz at naghuhugas ng plato. Ang nagmumungkong tanging lababo ng boarding house na yun ay nasa baba kung saan nga naghuhugas ng plato si Liz. Samantala, si Rex daw nasa taas at mahimbing na natutulog sa kwarto nila.

Malapit nang matapos maghugas ng plato si Liz nang napansin niyang may dumaan sa likuran niya. Kaya napatigil siya, natagalan si Liz bago nagmalakas loob na lumingon at nakita niyang may umakyat sa hagdan. Di bale nasa likuran lang niya ang hagdanan. Akala niya bagong boardmate lang. Marami-rami kasing kwarto sa boarding house na yun. Ang nakita lang ni Liz ay ang paa nung misteryosong babae dahil tuluyan na yung naka-akyat sa itaas. Ang ginawa ni Liz ay sumunod nalang rin sa taas. Pero hindi niya naabutan ang babae. Inisip niya na baka nakapasok na sa isa sa mga kwarto. Kaya iniwaklis nalang rin niya yun sa kanyang isipan. Binuksan niya yung pinto ng kwarto nila at laking gulat niya sa kanyang nakita. Nadatnan niyang hindi lang ang kanyang asawa ang nasa loob ng kwarto nila. May isang babaeng nakatayo malapit sa kinahihigaang kama ni Rex at nakatitig lamang sa kanya. Naka bridal gown yung babae pero gulanit gulanit na at ang dumi dumi pa at may mantsa ng dugo. May hawak ng boquet at bahagyang nakabaluktot at hawak ang hita ni Rex. Nanigas si Liz at napako sa kinatatayuan. Maya-maya, dahan-dahang lumingon yung multo kai Liz na nakangiti. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Liz that time dahil sa ngiti ng babae. Mabuti at bigla lang raw naglaho yung babae na parang bula. Mabuti hindi sila ginalaw at nagpakita lang.

Dali-daling lumapit si Liz kai Rex at ginising. Kinwento niya at napagdesisyunan nila kinabukasan na lumipat ng boarding house.

Rex :) (hindi po ako yung asawa ni Liz :P )

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon