Unsent Message (FBstories)

715 20 0
                                    


The unsent message

Wayback 2006 nang mamatay ang tito buboy ko sa labas ng presinto. Isa kasi siyang asset ng sa presintong yun. Ang nakabaril sa kaniya ay isang pulis gamit ang m16 armalite. Naniniwala kaming sinadya ito at hindi aksidente lamang. At dahil sa insidenteng yun, nai-TV patrol pa yung tungkol sa balitang yun.

Noong gabing namatay siya ay may isang bagay kaming hinanap kaagad sa kaniya, yung cellphone niya. Palagi niya kasing dala yun pero that time, hindi nahanap yun sa crime scene. Dahil nagkakagulo na yung family namin, nawala na sa isip namin na hanapin yun.

So habang nakaburol si Tito buboy, isa ako sa taga bantay ng kabaong niya tuwing umaga. Sa gabi naman ay yung iba ko pang pinsan. Ikatlong araw ng burol niya nang magising ako mga bandang 8am. Dire diretso ako sa CR para maghilamos. Nang matapos ako, sumilip ako saglit sa kabaong since ilang hakbang lang naman ang layo nito sa CR. Pero di ko ineexpect ang nakita ko.

May tumutulong dugo sa gilid ng labi niya, as in sariwang dugo! Kinabahan ako nun kaya tinawag ko yung iba ko pang mga tito para sabihin yung nakita ko. Pinatawag nila yung nag-embalsamo kay tito buboy para ayusin yung nangyayari sa bangkay. Agad niyang binuksan ang kabaong at umalingasaw ang mabahong amoy. Pero natahimik kaming lahat nang may isang bagay ang nakita naming hawak ni tito buboy sa kanang kamay niya. Yung cellphone niya, at nagbi-blink yung screen.

Kahit na natatakot na kami, pati yung embalsamador, naglakas loob yung isa kong tito na kunin ito at i-check. Lalo kaming natahimik nang binasa niya ng malakas ang isang unsent message:

"PATAY NA AKO"

Rapmonster

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon