Kamukha (FBstories)

631 7 0
                                    


"Kamukha"

Hello? First time lang magsend ng story. Sana maPost toh ni Admin Hehehe.

Etong Story ko ay Encounter ng Mama at Tito ko. Mga bata pa sila noon. Mga 3:00 start na ng tinda nila ng Barbecue sa harap ng bahay namin sa Pampanga nauubos yung tinda mga around 6:00Pm na. Sila Mama at Tito ko lang nagtitinda sa Barbecuehan nila. That time walang katao-tao sa bahay. Nung ubos na yung barbecues ipinasok na nila yung barbecue stand(di ko alam exact name nung pinagbarbecuehan nila hehe PS. Sorna agad)Nung Natapos na nilang ayusin yung mga gamit na ginamit nila sa pagbarbecue pinuntahan nila yung Uncle nila sa kabilang bahay kase madalas andun sya pag wala sa bahay namin.

"Uncle Doms???"-(tawag Ni mama Kay uncle)

"Ayy Shirley umalis na uncle Doms mo kanina pa aa"

So nung nalaman nilang wala sa kabilang bahay naglakad na sila pabalik sa bahay. Habang nagdadaldalan sila sa daan habang pauwe ,nakita nila si Uncle Doms. Tinawag sila nito at sinabeng may pupuntahan silang tatlo nila mama,Tito, at yun si Uncle. Tinanong Ni Tito kung saan daw sila pupunta. Ngunit ang sagot lang Ni uncle doms "Basta sa magandang lugar ipapasyal ko kayo". Sinundan naman nila mama at Tito si Uncle Doms. Ngunit nagtaka sila kung bakit papunta sila sa isang malaking puno. Madilim sa may puno walang ilaw at walang taong dumadaan. Tinanong ulet nila mama si Uncle Doms kung anong ginagawa nila sa may puno at ang sagot lang ni Uncle Doms "Sumunod lang kayo!" Pagalit na sabi ni Uncle Doms. Walang ano anu umakyat si Uncle Doms sa puno. Nagtaka ulet sila mama nagulat nalang sila mama at Tito nung sumigaw si uncle Doms na"anong pang ginagawa nyo?! Sumunod kayo". Sumunod nga sila Mama at Tito na akyatin ang malaking puno(Puno ng Santol). Hirap na hirap sila sa pag akyat gayong ang kanilang uncle Doms ay napakabilis umakyat. Nagrereklamo na yung kasama Ni mama si Tito gusto na nilang umuwe. Nung tatawagin na nila si Uncle Doms na bumababa na, nagulat sila ng iba ang nakita nila; Isang Maitim, matangkad, gulogulo ang buhok, May hawak na malaking tabako at nanlilisik ang Mata ng tignan sila mama at tito. Agad na bumababa sila mama at Tito sa puno, nung nasa baba na sila tinignan ulet nila kung si uncle Doms yun at baka tinatakot sila. Nung pagtingin nila sa taas nagulat sila dahil wala na sya dun pero ang mas kinagulat nila nung may biglang tumawa ng malakas. Agad na tumakbo sila mama at Tito papuntang bahay, at dun nila nakita si uncle Doms na kanina lang ay sinundan nila para umakyat sa puno ng Santol. Iyak ng iyak noon sila mama.

(PS. Nagpanggap yung kapre na si Uncle Doms. Sorry masyadong mahaba)

Dau, Pampanga

Len_

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon