Chapter 3 - Ganito siguro kapag broken hearted

859 15 1
                                    

Chapter 3 - Ganito siguro kapag broken hearted

[Pauline's POV]

"Pauline!!"

"Pauline!!!"

"Lin!! Saan ka ba pupunta?!"

"Pauline Marie! What do you think you're doing?"

Hinahabol nila kong dalawa pero patuloy lang ako sa paglalakad ng mabilis habang umiiyak. Nakalabas na ko ng mall kakalakad.

Pinagtitinginan na din ako ng mga tao pero right now, I don't care how I look dahil sobrang nasasaktan ako.

"PAULINE--"

"One more step." Sabi ko.

"Li~n."

"One more step and you're dead! DON'T FOLLOW ME!!"

Nagpatuloy na ko sa paglalakad. Siguro nakatingin sila sakin ngayon pero hindi na nila ko sinusundan.

Lakad lang ako nang lakad nang hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong pakialam kung saan ako makarating. Iyak lang ako ng iyak pero parang kahit na gano kadaming luha pa yung iiyak ko, hindi pa din maubos-ubos yung sakit.

Niloko lang niya ko. Pagkatapos ko siyang pagkatiwalaan, ganito lang din pala? TT__TT

Napahinto ako sa tapat ng isang bar. Lumingon ako sa paligid. Nasan na ba ko? Ni hindi ko na matanaw yung mall na pinanggalingan ko. Woah! Hindi ko man lang naramdaman yung pagod sa layo ng nalakad ko.

Pumasok ako sa loob at umorder ng beer.

Tama. ganito nga dapat ang gawin ko para mahimasmasan ako.

At ang kanta pa na tumutugtog ay 'Tonight I'm getting over you' by Carly Rae Jepsen. Kahit party song, yun pa din yung message ng kanta.

Umiiyak pa din ako habang nagfa-flashback sa utak ko lahat ng pinagsamahan namin ni Kris at kung pano natapos lahat ng yun kanina lang. TT__TT

"Waiter. Give me another bottle."

"Pero ma'am nakakarami na po--"

"WHAT?! Ikaw bang magbabayad nito?! Alam mo ba kung anong pinagdadaanan ko?! My boyfriend betrayed me! Pinagpalit niya ko sa pangit na babaeng yun!" I cried out loud. "Just give me another f^ckin' bottle of beer!"

"Y-yes ma'am."

Ang sakit sakit pa din eh! First boyfriend ko siya. First love. WAAAAHH!!!! TT___TT

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon