Chapter 36 - Why so concerned

311 9 0
                                    

Chapter 36 - Why so concerned

[Pauline's POV]

Dinala niya ko dito sa ice cream parlor.

"Oh ano bang kailangan mo? Bakit pinaalis mo si Clarence?"

"Wala lang. Nakakainis lang kasi siya." O__o

"Ano? Pano naman siya naging nakakainis eh hindi ka naman niya inaano?"

"H-hindi ko alam! Basta may instinct ako na kaiinisan ko siya."

-__-

"Sino ba talaga yun ha?"

"Kaibigan ko nga! Bakit ba?"

"Wala ka namang nakukwento na may kaibigan ka sa states."

"Eh kasi.. ano.."

"Oh ano ha? Aminin mo, may tinatago ka no?"

"Ano?!"

"May tinatago ka. Ano ba yun ha? Kitang-kita diyan sa mga mata mo."

O__O

"Uhh.." Sasabihin ko ba? Aish.

"Ano? Ano?"

"Hay! Ano ba kaisng gusto mong malaman ha?!"

"Sino ba talaga yung Clarence na yun ha rotten head?"

"Aish. Fine sasabihin ko na sayo. Pinakilala siya sakin nina Mama para maging kaibigan ko."

"Ano? Pinakilala bilang kaibigan? Ang weird."

"Kasi.. para yun magkakilala kami at.. baka sakaling magkagusto kami sa isa't-isa."

"ANO?"

"Hm. Tradisyon ng pamilya namin na ang elders ang magdedesisyon para sa mga nakababata. Sila ang hahanap ng mapapangasawa namin. Napakaraming taon na ang nagdaan na ganun ang paraan nila at walang nagagawa dun yung mga nakababata."

"Ha? Ang korny naman niyan."

"Alam ko! Kahit nga parents ko, dumaan sa ganyan eh. Ipapakilala sila sa isa't-isa at magiging magkaibigan. Pagkatapos nun kapag nagkagusto sila sa isa't-isa, eh di successful ang plano! Pero kapag hindi, hahanap sila ng iba. O kaya naman kung magkakaboyfriend or girlfriend na galing sa isang mayaman at marangal na pamilya, pagbibigyan nila."

"Ganun? Ano ba namang klase yan. Wala kayong kalayaan."

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon