Chapter 2 - Maling Akala number one

939 18 1
                                    

Chapter 2 - Maling Akala number one

[Pauline's POV]

What to do? What to do? >____<

"Wait. I think I've seen you before."

Nako lagot!!

Nagulat kaming dalawa sa ingay ng mga nagrarambol dun.

"Bakit ba nandito ka ha? Alam mo bang delikado dito?!"

"Ah.. kasi.. I.."

"Umalis ka na dito. Bilisan mo!"

Kanina ko pa nga gustong umalis dito eh! ToT

Tumingin ako sa paligid. Madilim at walang ibang tao. Wala na din akong makita. Hindi ko alam kung pano ako nakarating dito. Hindi ko na makita yung kalsada!! ToT

Binigyan ko si Devin ng what-should-I-do-I-don't-know-how-to look. Tinaasan lang niya ko ng kilay. Ngumiti naman ako na pang-sarcastic.

"What?"

"Ah.. eh.. ano.. kasi.."

"You don't know how to get back where you're from, right?"

Dahan-dahan naman akong tumango at nagbuntung hininga siya ng malalim habang nasa bulsa yung isang kamay. Ang cool! Nakawhite t-shirt siya na may jacket na itim at naka-pants.

Sorry. Feeling ko istorbo talaga ko sa kanila. >o<

May kung anong-bagay na tumalsik malapit samin. Parang.. yero ba yun? Kaya naman napatili ako sa gulat. Tinakpan niya yung bibig ko tapos hinawakan ako sa braso at hinila.

"Wait! Hey! Saan mo ko dadalhin?!"

HIndi niya ba ko naririnig?! Tumatakbo kaming dalawa ngayon at sumasakit yung braso ko sa higpit ng hawak niya!

"Teka lang! Saan ba tayo pupunta huh? Bitawan mo nga ko!"

Hindi pa din niya ko nililingon. Loooord!! Balak na ba niya kong patayin para matahimik ako sa nakita ko? Itapon ang katawan ko sa gubat at hayaang pagpiyestahan ng mga wild animals?! OMG! NO!! >__<

"Wait! Devin!! DEVIN!!"

Napahinto siya sa pagtakbo. Sht. Hinihingal na ko ng todo todo na parang may kung anong marathon akong sinalihan. Ganon ba kalayo yung narating ko?!

Bigla niya kong tinignan.

"How do you know my name?"

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon