Chapter 26 - Another favor

386 9 0
                                    

Chapter 26 - Another favor

[Pauline's POV]

Hindi pwede to eh! Ano ba tong nangyayari sakin?

Tumitibok ng mabilis yung puso ko at parang may background music akong naririnig. -__-

Tumayo na agad ako pero nadulas nanaman ako at napaupo sa sahig.

"Aw!"

Aish. Ayoko na!

**

Ugh. Umaga na.

Tingin sa paligid. Wala si Devin. Nasan na yun?

Babangon na dapat ako pero..

"HOY."

"Ah!! Aray!! TT^TT"

Nasa likod pala siya ng sofa at ginulat niya ko kaya nalaglag ako!

"ANO BA?! Ang aga-aga nambubwisit ka!"

"Hahahaha!" Sabay lakad palayo.

Bakit parang ang good mood yata nito ngayon? Anong nakain niya?

Tumayo ako at naghilamos na. Pinuntahan ko siya at nakita kong.. magluluto na siya ng almusal.

"Tulungan na kita."

Hindi siya sumagot kaya lumapit na ko at ako na yung nagbukas at naghiwa nung luncheon meat.

Tumingin ako sa kaniya na busy-ing naghihiwa ng bawang para sa fried rice.

Parang may kakaiba sa aura niya ngayong umaga. Hindi ko maexplain eh.

"Wag mo nga kong titigan."

O___O

Napatingin tuloy ako bigla sa luncheon meat at nagpanggap na may ginagawa. Nakakahiyaaa. ~o~

"Psh. Gwapong-gwapo ka nanaman sakin no?"

"ANO?! Ugh. Ang kapal talaga ng mukha."

"Oh ano? Nakatingin ka naman talaga sakin ah!"

"Ang weird mo kasi!"

"Anong weird?"

"Wala lang. Para kasing kakaiba yung mood mo. Parang ang ganda ng gising mo ngayon eh."

Nagsmirk lang siya. Bakit parang biglang nag-iba yung ihip ng hangin?

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon