Chapter 60 - Shocking truth

241 8 0
                                    

Sa mga nag-iisip kung malapit na bang matapos ang Maling Akala, secret! Haha. Sa mga dati ko nang readers at readers ko pa din hanggang ngayon, alam niyo naman kung ano ako gumawa ng story diba? Laging may nakakagulat na twist sa huli na kailangan niyong abangan. Haha! ;)

Salamat sa palaging pag-iintay ng updates!

Xoxo, SooRinn

___________________________________________ 

Chapter 60 - Shocking truth

[Sasha's POV]

Dumating si Kris dahil tinawagan ko siya at pinapunta dito.

"Ano yun?" Tanong niya.

"Sigurado akong sa mga oras na to, natataranta na si Devin at hindi niya alam kung anong gagawin niya."

"Ano bang ginawa mo?"

"Sinabi ko sa kaniya na alam kong si Pauline yung babaeng kinidnap nila."

"Ano?! Bakit mo ginawa yun?!"

"Para takutin siya! Dapat lang na kabahan na siya! Dahil anumang oras, pwedeng-pwede kong sabihin kay Pauline yun."

"Ugh. Matalino ka pala."

"Oo naman. Naunahan pa kitang kumilos."

"Sasabihin mo ba talaga sa kaniya?"

"Oo. Bakit hindi? Hindi na ko makapaghintay na makita si Devin na nasasaktan."

"Wag kang excited. Wag mo namang masyadong pabilisin ang mga pangyayari. Hahaha."

"Ayoko nga. Biglaan na kung biglaan. Mas maganda yun. Ayoko nang patagalin."

"Ugh. Masyado ka talagang excited. Sabagay, hindi na din ako makapaghintay. Matagal ko nang hinihintay, na bumagsak ang isang Devin Gimeno."

"Sigurado ako, na magiging exciting ang mga susunod na mangyayari."

"Anong balak mo pagkatapos nito?"

"Wala. Gusto ko lang naman siyang makitang masaktan at bumagsak. Alam ko naman na hindi ko siya makukuha pagkatapos kong gawin to no. Magagalit siya sakin. Pero ayos lang, naparamdam ko naman sa kaniya yung sakit."

"Ano bang.. pwede kong gawin?"

"Bahala ka. Ikaw nang bahala kung anong gusto mong gawin. Kapag may idea ka pwede mo namang sabihin sakin eh. Tutulungan kita."

[Pauline's POV]

"PAULINE!"

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon