Chapter 91 - You and Me against the world

180 3 0
                                    

Chapter 90 - You and Me against the world

[Pauline's POV]

The next day. Nandito na kami ni Devin sa resthouse nila sa Aurora.

Hindi pa din ako mapakali dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka hanggang dito, maabutan at mahanap nila kami.

"Okay ka lang ba?" Sabi niya. 

"Devin.. sigurado ako na sa mga oras na 'to, hinahanap na nila ko. Baka nga, natataranta na silang lahat sa pagkawala ko bigla."

"Sigurado din ako diyan. Pero.. wala ka nang dapat na alalahanin. Kasama mo ko. Hindi mo kailangang mag-alala."

"Alam ko." I smiled. Lumapit siya sakin at hinawakan niya ko sa kamay.

"Wag mo na munang isipin yun. Nandito lang naman ako sa tabi mo Pauline, poprotektahan kita."

Hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari. Pero ayoko na munang isipin yun. Ang mahalaga, magkasama kami ngayon. Masaya ko na kasama ko siya.

Pumunta kami sa balcony at tinanaw yung dagat.

"Ang ganda naman dito. Kapag talaga ganito yung view, nakakalimutan ko yung mga problema ko." Sabi ko. "Kayo ba yung may-ari ng resthouse na 'to?"

"Hm. Kapag nagbabakasyon kami dito nung bata ako, ito yung tinutuluyan namin. Nagpaalam ako kay Dad na gamitin natin 'to."

"Teka, nagkaayos na ba kayo?"

"Parang.. ganun na nga."

"Talaga?!"

"Hm. Nagkausap kami. Kahit na matagal na panahon ko na siyang hindi nakasama, inaalala niya pa din ako. Bukod sa pagtulong niya na makahanap ng donor ng dugo para sayo, pinayagan niya din tayo na tumuloy dito at nangako na pagtatakpan niya tayo."

"Talaga? Ibig sabihin.. okay na nga kayo ngayon?"

"Siguro nga."

"Ugh! Buti naman! Sigurado ako na masaya din si tita Analyn na malamang pinatawad mo na si tito Rudy sa wakas." Yes!

"Sabihin mo naman na proud ka sakin dahil nagawa ko na siyang patawarin."

"Ugh. Syempre naman proud ako! Nakita ko kung ga'no kasama 'yong loob mo sa Dad mo. Pero pagkatapos ng mahabang panahon mong pagtatanim ng galit sa kaniya, napatawad mo din siya. Masaya ko na.. narealize mo na din yun sa wakas."

Inakbayan niya ko.

"Tignan mo. Ang ganda-ganda talaga ng view."

"Hm. Nakakarelax. Saka.. masarap sa pakiramdam na tumanaw sa ganito kagandang view na ikaw yung kasama."

I looked at him then we smiled.

"Teka may makakain ba tayo dito mamaya?" Tanong niya.

"Hmm. Wala namang stocks dito diba?"

"Ugh. Wala nga. Tara. Mamalengke tayo."

I smiled.

Kahit na alam kong sinuway ko sina Mom at Dad.. dito ako masaya eh. Dito talaga ko nagiging masaya. Ang makasama ko si Devin.

Sobrang saya ko.. na nakalayo kami sa kanilang lahat.

Nagpunta nga kami sa palengke at namili ng mga stocks sa resthouse para samin. Medyo malayo din mula sa resthouse.

"Ah.. bangus?" Sabi niya.

"Bakit ayaw mo ba ng bangus?"

"Ayoko sa kanila. Masaydong maraming tinik."

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon