Chapter 30 - Why

345 8 0
                                    

Chapter 30 - Why

[Pauline's POV]

"Oh ayan okay na." Sabi ni Cheska pagkatapos niyang gamutin yung sugat ko.

Nakabalik na kami ngayon sa camp at yung iba, nagluluto ng lunch.

"So ayun pala yung nangyari.." -Donna

"Oo. Pero.. bukod diyan sa sugat.. okay naman ako."

Siniko naman ako ni Cheska ng mahina sa braso.

"Hoy. Bakit ba kayo ni Devin yung laging magkasama ha?"

"Oo nga! Nakakahalata na kami ah!" -Donna

"Ano?"

"Tapos nakita mo ba yung mga tingin nina Gian at Devin kanina ha? Parang anytime, magsusuntukan na sila." -Cheska

"Oo nga eh. Nagtataka din ako sa mga kinikilos nila. Ang weird diba?"

"Aminin mo nga samin Lin, may nararamdaman ka na ba para kay Devin?" -Donna

O___O

"Ano?!" Ano ba naman tong dalawang to!

"Oo nga sabihin mo na! Mga kaibigan mo naman kami eh." Sabi ni Cheska sabay wink.

"Ano ba tumigil nga kayo!"

"Lin, wala namang masama dun eh! Saka.. nakikita namin na komportable na kayo sa isa't-isa." -Cheska

"Komportable?! Komportable ba yung laging nag-aaway ha?!"

"Ibig naming sabihin.. kahit lagi kayong nag-aaway at nagsasagutan.. lagi pa din naman kayong nag-uusap. Ang cute niyo ngang tignan eh. Sige na aminin mo na--" -Donna

"Tumigil ka nga! Baka marinig pa nila tayo eh! Mamaya niyan kung ano pang isipin nila!"

"Eh sagutin mo na lang kasi! Sasabihin mo lang naman kung Meron o wala eh." -Donna

"Oo nga ano bang mahirap dun?" -Cheska

"AAH! Tama na! Tigilan niyo na nga ako!" Tumayo ako pero hinila din nila ko pabalik at pinaupo ulit. Hay. Ang hirap talaga nilang takasan. -__-

"Ayun oh. Tignan mo nga si Devin ang gwapo gwapo! Ang laki ng katawan at.. ang hot! Hahahaha!" -Donna

Tumingin kaming tatlo kay Devin na.. na.. O____O Naghubad ng tshirt.. *faints* lol.

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon