Chapter 58 - Chaos between the black rose

228 4 0
                                    

Chapter 58 - Chaos between the black rose

[Pauline's POV]

Naghahapunan na kami ngayon.

"Si auntie Sabelle ba yung nagluto nito?" Tanong niya.

"Hindi. Si Lisa."

"Nasan nga pala si auntie Sabelle?"

"Umalis siya, Umuwi muna saglit. Hoy, pumasok ka na bukas ah!"

Tinuro ko pa siya ng kutsara.

"Oo na."

"Magaling ka na ba?"

"Pinapapasok mo ko tapos hindi mo alam kung magaling na ba ko. Psh."

"Mukha naman kasing okay ka na no. Inumin mo na lang ulit yung gamot."

"Opo madam."

"Teka. Naalala ko bigla. May condo unit ka naman ah! Bakit dito ka pa nakikituloy?! Hindi ka ba pwede dun?!"

"Bakit ba? Eh gusto kitang makasama eh. Ano bang masama dun ha. Ayoko dun."

-__-

Matutulog na kami.

"Okay ka na? Pwede ka nang matulog dun sa sofa?"

"Ayoko nga!"

"Devin!"

"Ayoko!"

"Ayaw mo sa ibang kwarto, ayaw mo din sa sofa! Aish."

"Bakit ba?! Akala mo ba may gagawin akong masama sayo?!"

O///O

Bigla akong namula at napatingin sa ibang direksyon. Hindi naman sa ganun.. Eh kasi.. ano..

"Rotten head."

"Hindi ako sanay ng may katabing matulog!"

"Bahala ka. Dito ako sa kama matutulog. Kung ayaw mo dito, dun ka sa sofa."

"ANO?! Kwarto ko to!"

"Eh ano ngayon?"

"Hay. Magbayad ka ng renta mo!"

"Ang yaman-yaman mo na sisingilin mo pa kong renta?"

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon