Chapter 64 - I hate you but I love you

204 7 0
                                    

Chapter 64 - I hate you but I love you

[Pauline's POV]

O__O

"Clarence?"

"HI Pauline." Sabay ngiti.

O___O

"Anong ginagawa mo dito?!"

Lumapit siya sakin.

"Hinanap kita."

"Ano?! Pano mo nalaman na nandito ako?"

"Tinanong ko kay auntie Sabelle."

"Sinabi niya sayo?!"

"Oo. Wag kang mag-alala, wala naman akong pinagsabihan na iba."

Hindi ako nagsalita. Siguro okay na din to. May makakausap ako.

"Okay ka na?"

"Hindi pa din eh."

"Okay lang ba na nandito ako? Baka naman nakakaistorbo ako dahil gusto mong mapag-isa."

"Ayos lang. Basta wag mo kong guguluhin."

"Oo promise. Haha. Anong ginagawa mo dito?"

"Dito ako nagstay kagabi. Ang sarap kasi dito eh. Nakakarelax kapag nasa tabi ng dagat."

"Pwede mo kong kausapin. Sabihin mo lang sakin lahat."

"Ano ka ba. Bakit ka nga ba nandito ha? Diba may pasok ka?"

"Oo nga pero gusto kitang puntahan. Mahirap na baka kung ano pang gawin mo. Okay na yung may bantay ka."

"Baliw. Ano ba sa tingin mo yung gagawin ko ha? Lulunurin ko yung sarili ko dito?"

"Malay ko. Broken hearted ka kaya baka kung anong maisipan mong gawin."

"Hindi ako ganun no! Kelan ka pa ba dumating?"

"Kagabi pa."

"Dun ka sa hotel nagstay?"

"Oo. Sinusundan kita. Nakita nga kita kaninang umaga na sinusungitan yung nagserve sayo ng almusal."

"Ugh. Pasensya na. Nabadtrip lang ako. Kilala mo naman ako eh."

"Lagi ka naman yatang badtrip."

Naglalakad-lakad kami.

"Salamat ah."

"Saan?"

"Dahil pumunta ka dito. Pinuntahan mo pa ko. Nakakahiya naman. Alam ba to nung babaeng gusto mo ha?"

"Hindi."

"Bakit hindi mo sinabi baka mamaya magalit siya sakin!"

"Sasabihin ko din naman sa kaniya. Wag mo nang alalahanin yun."

"Alam mo.. talagang nahihirapan ako. Hindi ba.. masyadong mabilis? Para kasing hindi ko pinag-isipan ng mabuti yung tungkol sa pakikipaghiwalay ko kay Devin."

"Nasaktan ka diba? Niloko ka niya. Kaya bakit naman itutuloy mo pa? Magmumukha ka lang tanga."

"Kasi.. kung hindi ko pa tinapos yung tungkol saming dalawa, lalo lang kaming mahihirapan. Sa oras na malaman nina Mommy yung tungkol sa kanila, na sila yung kumidnap sakin. Paghihiwalayin din nila kami. At baka nga idemanda pa sila. Mas mahirap naman yun diba?"

"Ugh. Iba ka talaga. Ang bait mo. Pagkatapos ng ginawa nila sayo, okay lang sayo na hindi sila makulong? Na hindi sila magbayad sa mga kasalanan nila sayo?"

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon