Chapter 77 - Another sht

169 4 0
                                    

Chapter 77 - Another sht

[Devin's POV]

Are you guys wondering what happened between me and Kris? Kung ano yung pinag-usapan namin?

Well, wala yun. Tungkol lang yun sa mga walang kwentang bagay.

Tungkol sa grupong kinakalaban namin ngayon pero syempre, hindi namin nakakalimutan na kalaban pa din ng Black Rose ang Les Mechant.

"Kahit kelan hindi kami makikipagtulungan sa inyo." Sabi niya.

"Bakit? May sinabi ba ko na makikipagtulungan ang Black Rose sa Les Mechant? Asa."

"Oo nga pala. Nakausap ko si Sasha. Mukhang nag-uumpisa na din siya sa inyong dalawa ni Pauline."

"Eh ano naman sayo ngayon? Bakit? May balak kang kumampi kay Sasha?"

"Oops. Huli ka na. Ginawa ko na. Pareho lang naman kami ng balak eh. Ang patumbahin ka. Kaya mag-abang ka sa mga susunod na mangyayari. Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo."

"Wag mo kong bantaan ng ganyan. Wala ring epekto sakin yan. Tignan din natin kung ano pa yung kaya mong gawin."

Napalingon siya bigla sa kaliwa kaya napalingon din ako. Si Pauline.

"Ano nanamang nangyari? Nag-away nanaman ba kayong dalawa ha?"

Masyado talaga siyang nag-aalala sa kung anu-anong mga bagay. Nag-usap lang naman kami. Pero kanina, dahil sa kayabangan niya, nagkasuntukan pero isang ganti lang.

"Wala 'to."

"Nag-uusap lang naman kami."

"Tss."

"Hayaan mo na to. Ayos lang."

"Bahala nga kayo. Wag kayong gagawa ng gulo!"

Umalis na din sila at hinayaan kami.

"Oo nga pala. Ingatan mo si Pauline. Kapag nalaman ng kabilang grupo yung tungkol sa kaniya, lagot ka. Sigurado akong gagamitin nila si Pauline para pabagsakin ka."

"Ugh. Bakit mo naman sinasabi yan sakin ngayon?"

"Hindi yun para sayo. Para yun kay Pauline. Kaya mo bang mapahamak din siya ng dahil sayo?"

"Alam ko. Wag kang magmarunong. Alam ko kung anong dapat kong gawin."

"Siguro naman nadala ka na sa nangyari noon. Wag na wag mong hahayaan na masaktan si Pauline. Kung hindi, madadagdagan yung dahilan ko para pabagsakin ka."

"Tss. Bakit bigla kang naging ganyan? Diba sinaktan mo din naman siya? Anong karapatan mong sabihin sakin na wag kong hayaan na masaktan siya kung ikaw nga mismo, sinaktan siya."

"Hindi naman talaga dapat madadamay si Pauline sa gulo na 'to eh. Ikaw lang naman talaga ang gusto kong patumbahin. Kaya lang.. hindi ko maipapangako na hindi ko siya maidadamay."

"Alam mo, ang gulo din ng utak mo eh."

"Kung kailangan ko siyang idamay para lang mapabagsak ka, gagawin ko. Matalo ka lang."

"Nababaliw ka na talaga."

Ugh. Sira-ulo. Hindi ko alam kung nasa tamang pag-iisip pa ba siya.

"Bantayan mo siyang maigi. Baka sa susunod na araw, magulat ka na lang sa mga mangyayari." Pagkasabi niya nun, umalis na din siya.

Ano namang ibig niyang sabihin dun? May binabalak ba siyang masama?! Ang yabang talaga.

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon