Chapter 25 - Hero in disguise
[Pauline's POV]
Pasan-pasan niya ko ngayon palabas ng building na 'to.
Si Devin.. ay isang hero in disguise.
Tahimik lang at walang nagsasalita pero siguro dapat magsalita na ko.
"Salamat dahil dumating ka. Akala ko.. hindi mo na ko hahanapin eh." Naiiyak pa din ako.
"Bakit naman kita pababayaan? Sa tingin mo ba gagawin ko yun sayo?"
Ngumiti ako ng kaunti sabay patak ng luha.
"Natakot talaga ko. Sobra. Buti na lang dumating ka."
"Wag ka na ngang umiyak diyan."
Natutuwa talaga ko kahit papano. Dahil nandito na siya ngayon, pakiramdam ko wala nang kahit na sino ang pwedeng manakit sakin.
Kahit na masama yung ugali niya, hindi ko maikakaila na pagdating sa mga ganitong sitwasyon, siguradong hindi niya ko pababayaan.
Nakalabas na kami ng building at ngayon naglalakad siya habang pasan-pasan niya ko.
"Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?" Bigla niyang tanong.
"Hindi. Okay lang ako. Ikaw? Okay ka lang?"
"Oo."
Nakita ko kanina na madami din siyang sugat. Hindi ko lang masyadong nakita yun dahil nanlalabo yung mga mata ko dahil sa luha.
O__O
BIGLANG UMULAN!
"Patay. Umuulan. Pano tayo makakabalik?"
"Hay ano ba naman yan." Inis niyang sabi.
Tumakbo siya at naghanap ng masisilungan.
"Aish. Ang layo nung sasakyan ko mula dito."
"Anong gagawin natin..."
"Hindi naman tayo pwedeng maglakad sa gayan kalakas na ulan."
"Uhh.. sa tingin ko, pwede mo na muna kong ibaba. Makakatayo naman siguro ako."
Dahan-dahan niya kong binaba at tumayo ako sa tabi niya.
Ugh. Ang lamig. Nangingig ako sa lamig. Yakap-yakap ko na ngayon yung sarili ko.
BINABASA MO ANG
Maling Akala
RomantizmAkala ko tama pero mali. Akala ko mali pero tama. Ugh. Tama bang mahalin ko siya? Tama bang umasa ko sa isang kagaya niya? Mahal ba talaga niya ko? Dapat ba kong maniwala? O isa nanaman 'yong MALING AKALA? Maling Akala by Soorinn This is a work of f...