Chapter 27 - Outing with the Black Rose

365 10 1
                                    


Chapter 27 - Outing with the Black Rose


[Pauline's POV]


Kahit na alam kong mahihirapan ako sa hinihinging favor ni Mr. Gimeno, susubukan ko pa din. Mas gusto ko pang gawin to kaysa sa hinihingi ni Criselle.


 Binigay sakin ni Mr. Gimeno yung calling card niya at umalis na.


Paano ko kaya mapapapayag si Devin?


Kinabukasan, kasama ko si Devin sa field. Tulad ng dati, hinila niya ko dito. -__-


"Ayaw mo na ba talagang umuwi sa inyo?"


"Ayoko."


"Pero.. hindi mo ba naisip na magkakaron ka ng peace of mind kapag—"


"Pano naman ako magkakaron ng peace of mind kung uuwi ako sa bahay ng lalaking yun? Kung makikita ko siya? Sa tingin mo ba magkakaron ako ng peace of mind?"


"Naiintindihan naman kita kung bakit ka nagkakaganyan pero.. kung wala siya.. wala ka din naman dito ngayon eh."


"Wala akong pakialam."


"Devin—"


"Matagal ko na siyang binura sa buhay ko."


"Sa tingin mo ba.. natutuwa ngayon yung Mama mo kung ganyan ka?"


"Tumahimik ka na nga! Masyado kang maraming sinasabi."


Tumayo siya pero sinundan ko siya.


"Hoy—"


"Wag mo na kong kulitin."


"Kausapin mo yung Papa mo."


Humarap siya sakin.


"Ano?"


"Kausapin mo siya. Ayaw mo ba na magkaayos kayo?"


"Ayoko." Dumiretso na ulit siya sa paglakad.


Mukhang mahihirapan ako dito ah. Sinundan ko na lang siya.


"Ah. Tungkol nga pala dun sa outing..."


"Sa susunod na araw na yun."


"Hm."


"Sumama ka samin bukas."


"Saan naman?"

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon