Chapter 35 - The consequences of being an Asuncion

354 9 1
                                    

Chapter 35 - The consequences of being an Asuncion

[Pauline's POV]

"Mabuting lalaki para sayo si Clarence. At magiging maganda talaga kung magkakatuluyan kayo hindi ba? Alam kong magiging maganda ang kinabukasan mo kung--"

"Dad. Kahit anong sabihin niyo, halata naman na ginagawa niyo to para lang hindi magmukhang arrangement ang nangyari pero ang totoo, ganun naman talaga. Pero.. okay. Sa tingin ko, wala namang masama kung makipagkaibigan ako sa kaniya."

"Mabuti naman. Sana, maging close kayong dalawa. :)" -Mrs. Delos Santos

Tumingin si Clarence sakin at nginitian ako. Nagfake smile naman ako.

I'm sick and tired sa mga ganito nilang pakulo. Noong 17 ako, may pinakilala din sila sakin pero hindi yun effective dahil sa huli, inamin din nung lalaking yun na bakla siya kaya hindi sila nagtagumpay. Sayang may itsura pa naman siya. Wahaha. (Oo kami pa ni Kris nung mga panahong yun pero dahil nga Asuncion ako, well, hindi maaalis ang ganito.)

Tawa nga ako ng tawa dahil sa akin niya unang sinabi yung totoo. Nabuking ko lang siya nung minsang may nakita akong BB cream at lip shiner sa bag niya! 

Tinakot ko siya na sasabihin ko yung totoo sa parents niya pero syempre joke lang. Diring-diri pa na baka nga daw ipakasal siya sakin balang araw kaya ayun, sa huli napilitan din siyang umamin.

Nakakaawa nga lang dahil tinakwil siya ng tatay niya. Naging close nga kami dahil sa kabaklaan niya eh. Naging kaibigan ko na din siya. Nasaan na kaya siya ngayon?

Okay balik tayo sa kasalukuyan. Lol.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain ng dinner.

"Sa tingin ko naman bagay kayong dalawa. May pag-asa siguro na maging magkaibigan kayo."

"Oo nga. I'm looking forward on how close the both of you would be in the near future."

 Hay ayoko nang pakinggan yung mga sasabihin nila.

"Excuse me po."

Tumayo na muna ko at lumabas.

Ganito ba talaga ang kapalaran ko? Hay.

Naalala ko, na yung pinsan ko na apat na taon ang tanda sakin, ganito din ang ginawa sa kaniya. Una, pinakilala para maging magkaibigan hanggang sa nagkadevelopan. Ngayon, kasal na silang dalawa.

Oo nga naman, hindi magmumukhang arranged kahit iyon naman talaga ang balak noong umpisa pa lang.

Kapag isa kang Asuncion, parang wala kang kalayaan na pumili kung sino talaga ang mamahalin mo dahil sila ang magtatakda no'n para sayo.

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon