Chapter 37 - Buko pie

325 8 0
                                    

Chapter 37 - Buko pie

[Pauline's POV]

Hanggang ngayon lutang pa din ako dahil sa nangyari.

Nalaman nina Mama, Papa at auntie yung tungkol dun nung hinatid ako dito ni Clarence.

Sobra talaga sila kung mag-alala at pinilit pa kong dalhin sa ospital para ipacheck up. Nasabi ko kasi na talagang nahirapan akong huminga.

Pero hindi na din ako nagpadala dahil okay naman na ko ngayon.

Yung tungkol naman sa sugat na nakuha ni Clarence dahil sa pagsuntok ni Devin, sinabi niya na tumama lang yun sa kung saan.

"Tama ka. Basagulero nga siya."

"Hm. kaya dapat mag-ingat ka sa kaniya."

"Mukhang concerned talaga siya sayo ah."

"Ganun lang talaga yun."

"Baka naman, nagmamanhid-manhidan ka lang?"

"Ano? Hindi kita maintindihan." Kahit gets ko naman talaga. Ayoko lang talagang isipin yun.

"Hay ewan ko sayo. O pano? Mauna na ko? Mukhang ilang araw tayong hindi magkikita dahil wala naman diyan ang mama at papa mo."

"Oo nga. Pero.. okay lang ba yun sa parents mo?"

"Oo akong bahala."

"Sige. Salamat."

"Hm. Bye. :)"

"Bye. :)"

Pumasok na ulit ako sa loob. Sinalubong ako ni Papa.

"Anak, mukhang.. hindi naging maganda yung first date niyo ah."

"Oo nga po eh. Hahaha. Pero.. unforgettable naman po dahil sa nangyari."

"Mabuti na lang talaga at walang nangyaring masama sayo."

"Opo. Okay naman po ako."

"Sigurado ka ba na wala kang nararamdaman ngayon na kahit na ano?"

"Hmm.. opo."

"Good. Sabihin mo lang samin agad ah."

"Opo. Natatakot nga po ako kasi.. baka bumalik nanaman yung sakit ko."

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon