Chapter 67 - Going back

200 6 0
                                    

Chapter 67 - Going back

[Pauline's POV]

Ugh. Ang sakit tuloy ng katawan ko. -__-

"Okay ka na ba Lin?" -Clarence

Pumunta pa dito si auntie Sabelle nung nalaman niyang naaksidente ako.

"Opo. Medyo masakit lang talaga yung katawan ko pero sa tingin ko okay naman ako. Pasensya na po kayo ah. Pinag-alala ko pa kayo."

"Ano ba kasing nangyari?" -Auntie Sabelle

"Nawili po ako sa pamamasyal dun. Hindi ko napansin na isa't-kalahating oras na pala kong naglalakad. Tapos 30 minutes kong hinanap yung daan pabalik pero hindi ko matandaan kasi hindi naman ako taga-dito. Tapos nakita ko si Jessa. Sa sobrang excitement ko tumawid ako nang hindi tinitignan yung mga sasakyan. Sorry po talaga. Sorry auntie."

"Ano ka ba wag kang magsorry wala kang kasalanan." -Auntie Sabelle

"Hindi pa po ba ko makakalabas?"

"Hindi pa. Kailangan ka pang obserbahan ng doktor." -Uncle

"Magpahinga ka na muna at magpagaling ka." -Auntie Gemma

"Naibalita ko na din kina Donna at Cheska yung nangyari. Nag-alala sila sayo."

"Hay. Ano ba naman yan. Ayoko nga sa ospital eh. Hindi po ba pwedeng sa bahay na lang ako magpagaling?"

"Sa tingin ko pwede naman kung papayag yung doktor at kung wala nang magiging problema."

Hay. Ayoko talaga sa ospital. -__-

Ang tanga ko naman sa part na yun. Naexcite ako kaya nasagasaan ako ng kotse. Ayan tuloy. Nasaktan na ko, pinag-alala ko pa silang lahat.

"Anong gusto mong kainin?" -Clarence

"Wala naman akong ibang makakain dito bukod sa hospital food no."

"Gusto mo ba.. bilhan kita ng hamburger?"

"Ugh. Kung kaya mong ipasok yun dito bakit hindi? Haha!"

"Sige! Kapag nakabili talaga ko?"

"Eh di bumili ka na! Sige na nagugutom na ko eh, Yung may cheese ha!"

"Sige hintayin mo ko dito."

Lumabas na siya ng room. Lumabas na din muna sina auntie Gemma at uncle Warren kaya kaming dalawa na lang dito ni auntie Sabelle.

"Ano ka ba. Hindi ka pwedeng--"

"Auntie, nasagasaan ako, wala akong kahit na anong sakit. Kaya sa tingin ko pwede naman akong kumain no'n diba?"

"Hay ikaw talaga."

Ngumiti lang ako.

"Sobrang nag-alala din yung mga kaibigan mo sayo. Ang sabi nila, hindi na daw muna sila tatawag para makapagpahinga ka. Kinakamusta ka din nila."

"Sa tingin niyo po ba.. sinabi nila kay Devin kung anong nangyari sakin?"

Nagkibit balikat lang si Auntie.

"Sabi kasi nila, lagi daw nakikipag-away si Devin mula nung iniwan ko siya. Nag-aalala ko."

"Inaalala mo pa din siya hanggang ngayon?"

"Syempre naman. Ah. Auntie, pasensya na ulit kayo ha? Pumunta tuloy kayo dito ng wala sa oras."

"Wala yun. Kapag gumaling ka na, kailangan mo nang magdesisyon kung kelan ka babalik ng Manila."

"Hm. Kailangan kong paghandaan yun. Ano nga po palang sabi ng doktor?"

"Maswerte ka dahil walang internal bleeding at hindi ganun kalala ang nangyari. May fracture yung kaliwang binti mo pero gagaling din naman daw yun sa treatment. You need to stay here for a few more days for them to check your condition."

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon