Chapter 45 - Venice Piazza

355 8 0
                                    

Chapter 45 - Venice Piazza

[Pauline's POV]

Dahan-dahan kong kinuha yung bouquet na binibigay niya. Tapos.. mygoodness. Ngumiti siya at talagang nakakatunaw.

O//O

"Oh ano?" Tanong ko pero bigla niya kong niyakap. O//O

Pagkabitaw niya..

"It means.. naniniwala ka?"

"Yun yung sinabi mo diba? Na kapag tinanggap ko to--"

"Tss. Ang dami-dami pang sinasabi oo o hindi lang naman."

"Aish. Oo! Oo na. Naniniwala na ko."

Nag-smirk lang siya at nauna nang naglakad. Ano ba yun?

"Hoy!"

"Tara na."

"Saan?"

"Sumunod ka na lang."

O__o?

Sinundan ko na lang siya. Naglalakad kami ngayon sa labas ng GU. Nasa unahan siya at siguro 3 steps away mula sakin.

"Kung ganun okay na?" Tanong niya.

"Anong okay na?"

"Ayos na ulit tayo."

"Ikaw naman talaga yung nagsimula nun! Pero.. dahil binigyan mo naman ako nitong bulaklak, sige. Okay na."

Hindi na siya nagsalita.

Bakit ba hindi niya masabi yung salitang sorry? Kung sabagay, kung hindi yun mula sa puso niya, wag na lang.

"Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo naglalakad."

"Malapit na."

"Saan ba kasi?"

"Wag ka na ngang maingay!"

-__-

Tinignan ko yung bulaklak at inamoy. Hmm. Ang bango! Mahilig talaga ko sa mga bulaklak eh. Napangiti ako bigla. Binigay niya sakin to para magkaayos kami at.. bilang sign na naniniwala na nga ako sa kaniya.

Oh ano na ngayon? Ano ngayon kung naniniwala na ko?

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon