Chapter 76 - What is the meaning of this?

197 4 0
                                    

Chapter 76 - What is the meaning of this?

[Pauline's POV]

"Ikaw pala yung may gawa nung lahat ng 'yon ha."

"Oh bakit? Nagulat ka ba? Akala mo siguro hanggang salita lang ako no? Marami pa kong kayang gawin. Hindi ba nakwento sayo ni Criselle?"

"Ano ba talagang gusto mong mangyari?! Sinusubukan mo talaga ko. Wag mong hintayin na mapuno ako sayo!"

"Wow. Natakot naman ako dun. Gusto kong.. pareho kayong hindi maging masaya. Kung hindi din naman ako magiging masaya, walang magiging masaya sating tatlo." Ugh.

"Ang lakas maka-teleserye ng linya mo ah. Sige subukan mo. Hindi mo ko basta mapapatumba."

"I hate to see you happy. I hate you. Dapat lang naman talaga sayo yung nangyari. Sayang nga eh, hindi ka pa natuluyan--Aw!"

Nakakainis na talaga siya kaya sinabunutan ko na! Ugh!

"Ano ba bitawan mo nga ko!"

"Mas gusto ko yung ganito. Ugh."

Umaawat yung dalawa pero nadamay na din sila. Aish. Magaling kaya ako sa ganito no!

"Aray! Pauline ano ba?!"

"Hindi mo pa din ba kami titigilan ha?! Gusto mo bang mawala yang ganda mo?!"

"GIRLS! What are you doing?!"

Napatigil kami nang marinig namin yung boses ni Mrs. Reyes. Lagot.

"Ano bang kalokohan 'tong ginagawa niyo ha?!"

"She started it." Sabi ni Sasha.

"No! You did!"

"Wag na kayong magturuan sa harap ko! SAO. Now!"

O_O

Aish.

Tinignan ko siya ng masama.

Ugh! Napatawag pa tuloy kami sa Student's Affair Office na si Mrs. Reyes ang vice president at si Mrs. Fuente ang president! Kasalanan niya 'to!

"Ms. Asuncion and Ms. Castro! I didn't expect this to both of you! Kelan pa kayo natutong makipag-away ng ganito inside the campus?! You were respected by other students dahil sa social ranking niyo tapos ganito yung ipakikita niyo?" -Mrs. Fuente

"Ano bang pinag-awayan niyong dalawa?" -Mrs. Reyes

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon