Chapter 53 - Troy and Xander

264 5 0
                                    

Chapter 53 - Troy and Xander

[Pauline's POV]

Hindi pa tapos ang dinner. Lumabas muna kami ni Devin at naiwan silang tatlo dun sa loob.

"Ano sa tingin mo?" Sabi ko.

"Ha?"

"Naging maayos yung dinner at sa tingin ko nagustuhan ka din nila."

"Hm. Ang akala ko nakakatakot ang parents mo. Hindi naman pala."

"Ngayon lang. Pero kapag nagseryoso sila, nakakatakot sila."

"Mukha namang sinusuportahan ka nila sa kahit na ano."

"Oo nga. Pero.. mas mahalaga pa din sa kanila ang pera. Hindi ko alam kung naiintindihan mo ba kung anong point ko."

"Masaya ko na, natanggap nila tayo."

"Hm. Buti na lang hindi na sila nagtanong ng kung ano tungkol sayo."

"Kapag ba nalaman nila.. kung ano ako.. paghihiwalayin nila tayo?"

"Hindi mo sila kilala. Sa isang snap lang ng mga daliri nila kayang-kaya nilang gawin yun. Sa laki ng koneksyon nila at sa dami ng taong nagtatrabaho para sa kanila, hindi yun imposible."

"Talaga?"

"Hm. Nakakatakot diba?"

"Siguro mas mabuti nga kung.. hindi ko ipaalam yun sa kanila."

"Hm. Pasensya ka na kung kailangan mong itago yun sa kanila."

"Wala namang problema sakin yun eh."

"Pasensya ka na talaga. Kung hindi ako isang Asuncion, siguro kayang-kaya kong aminin sa kanila kung sino ka talaga."

"Sabi ng ayos lang yun eh!--"

"Si Criselle ba.. yung pamilya niya ba, alam kung sino ka talaga?"

Natagalan bago siya sumagot.

"Oo."

"Ugh. Talaga? Alam mo--"

"Wag ka nang mag-isip ng kung ano." Iniharap niya ko sa kaniya. "Wala akong pakialam dun. Ang mahalaga, nasa tabi kita."

I smiled.

"Iniisip ko lang kasi na baka.. hindi ka masaya--"

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon