Chapter 43 - FINE

258 7 0
                                    

At dahil new year, ayan nag-update ako kahit kaka-update ko pa lang. Hahaha! HAPPY NEW YEAR! Yung mga silent readers diyan, magparamdam na kayo! Haha! Salamat sa pagiging part niyo ng 2014 ko. Sana kasama ko pa din kayo, mga readers ng stories ko, ngayong 2015! Abangan ang mga pasabog! Hahaha! :* 

Xoxo, SooRinn

____________________________________

Chapter 43 - FINE

[Pauline's POV]

Kabonding namin ngayon ang black rose dito sa cafeteria at ang ingay nanaman dahil sa tawanan namin.

Napapatingin ako kay Devin. Hay lalong gumagwapo kapag tumatawa!

Bigla siyang napatingin sakin kaya iniwas ko yung tingin ko.

Nakitawa na lang ako kina Wade kahit di ko naman nagets yung joke.

Tumingin ulit ako kay Devin. Umiinom siya ng tubig.

Hay ano ba tong nangyayari sakin. Unti-unti na kong nababaliw. -__-

Kailangan kong ihanda yung sarili ko. Tatanggapin ko yung feelings niya, kapag handa na ko.

"Mukhang.. nagbobonding ang black rose ah."

Biglang dumating si Kris kasama yung iba niyang kaibigan na sa tingin ko, member ng les mechant.

"Ano nanaman bang kailangan mo?" -Gian

Aish. Mag-uumpisa nanaman ba siya ng gulo?!

"Oh Pauline! Kamusta ka na? Kamusta naman ang pakikisama mo sa black rose ha? Mabait ba sila sayo? Nakilala mo na ba sila? Baka naman.. may tinatago sila."

TInignan ko lang siya ng masama. Ano bang sinasabi niya?

Nagulat lahat nang bigla ibato ni Devin yung tinidor na hawak niya at tumayo.

"Oh ano? Ano nanaman bang ginawa ko?" Sabi ni Kris sabay smirk.

"Naghahanap ka nanaman ba ng gulo?" Maangas na tanong ni Devin. Nakakatakot nanaman yung mata niya.

"Ugh. Bakit? Kailan ba nawalan ng gulo? Hindi pa tayo tapos. Hindi pa tapos ang les mechant at ang black rose."

"Alam ko. Wag mong sirain ang araw ko. Baka hindi ako makapagtimpi sayo."

"Bakit ba parang meron kang kinakatakot na sabihin ko ha? Tss. Ano?"

"Tumahimik ka." -Gian

"Pano kung ayoko? Hindi naman pwedeng, kalimutan na lang natin lahat ng 'yon, hindi ba?"

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon