Chapter 47 - Comparisons

413 5 0
                                    

Chapter 47 - Comparisons

[Pauline's POV]

Kinagabihan, nandito kami sa bahay ng black rose para sa party na naisipan nila. Hay bakit kailangan pa nilang gawin to? Ganun ba talaga sila kasaya na naging kami ni Devin? Aish.

Lagi naman silang ganito. Lagi silang magulo at maingay kapag magkakasama.

Siniko ako bigla ni Donna.

"Tignan mo, tignan mo si Devin!" Tinuro niya si Devin na nakikipagbiruan kina Sef at Gary.

"Whoa. Parang nag-iba din si Devin ah?" -Cheska

"Ang gwapo talaga niya diba?" -Donna

"Alam ko. Haha!"

Nakisama na din kami sa kanila.

Masaya talaga yung gabing to. Kaya lang wala silang tigil sa pang-aasar samin ni Devin.

Nalaman na din namin ang history ng bawat myembro ng black rose. Alam ko na yung kay Devin at Gian eh,

Si Warlem Torres na mas kilala nating Lem, hindi pala niya nakilala ang tunay niyang mga magulang. Lumaki siya sa ampunan pero nagrebelde din siya sa mga umampon sa kaniya dahil sa kalagayan niya.

Si Joseph Castro o si Sef  ay anak sa labas. May ari sila ng isang restaurant na kilala sa bansa at dahil anak siya sa labas, nabubully siya nung kinder. Naging dahilan yun para magalit siya sa kalagayan niya kaya naman napili nyang magrebelde.

Si Maxwell Harvard naman o si Max, hiwalay ang parents niya. Battered wife ang mommy niya at nung namatay ang nanay niya, naiba na siya ng landas kaya ayan, naging gangster.

Si Rodney Villarino ay galing sa magandang pamilya. Hindi namin alam kung bakit sa kabila ng kayamanan ng pamilya nila, pinili pa din niyang maging gangster. Ang sabi niya, gusto lang daw niyang magpakasaya. Naalala niyo? Nasa ball of elites siya kasama si Wade.

Si Patrick Wade Trias o si Wade, kagaya ni Rod ay galing din sa maganda at mayamang pamilya. Hindi alam ng mga magulang niya yung mga pinagagagawa niya noon at nung nalaman, tinakwil siya pero hindi din siya natiis at pinabalik sa bahay kaya lang huli na dahil.. member na siya ng black rose.

Si Gary Sta. Rosa ay ulila mula pagkabata. 5 years old siya ng mamatay ang parents niya dahil sa pamamaril sa isang bangko. Pinalaki siya ng uncle niya na wala namang ginawa kundi pagmalupitan siya at ang kapatid niyang babae.

Si Thomas John Alvarez o si Tom ay pinalayas sa bahay nila nung 15 pa lang siya dahil sinisi siya ng tatay niya nang maaksidente ang kuya niya at namatay. Yun yung dahilan kung bakit ganito siya ngayon.

At kung si Tom ay pinalayas, si Jeric Winston naman o si Jec ay naglayas. Naghiwalay ang parents niya at ang mom naman niya, wala nang ginawa kundi magsugal at sumama sa kung sinu-sinong lalaki. Ilang taon pagkatapos niyang maglayas nalaman niyang nagpakamatay ang mama niya.

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon