Chapter 10 - Liar Liar

381 10 0
                                    

Chapter 10 - Liar Liar

[Pauline's POV]

Aaw. Ang sakit ng likod ko! Dumilat ako at wait.. nasan nga ba ko? Ahh. Sa stock room.

Pero.. bakit nakahiga ako?

Tumingin ako sa gilid ko at nakita kong nakaunan pala ko sa lap ni Devin.

Natutulog pa din siya habang nakasandal sa pintuan.

Bakit naging ganito na yung ayos namin? Sa pagkakatanda ko kasi.. 

***

"Eh bakit mo ko inaakbayan?! Lumayo ka nga-- Aaah! O///O"

O////O

Nagkatitigan pa kami for like 10 seconds.

Ehem.

Inalalayan niya kong makaupo ulit ng ayos.

Bakit parang biglang nagbago yung atmosphere? Anong nangyari?

Nakatingin kami sa magkaibang direksyon na parang awkward na awkward sa nangyari.

"Ang stupid talaga." Rinig kong sabi niya kaya nilingon ko siya.

"Ano?!" Nakatingin siya sa kaliwa niya sabay tingin dito.

"Nakaupo na nga lang natutumba pa."

"Kasalanan mo! Lumayo ka na nga sakin! Matutulog na ko!" Umusog ako at sumandal. Doon na ko nakatulog.

***

Pano ko napunta dito? Hala.

Maya-maya pa, nagising na din siya at nagkatinginan pa kaming dalawa. Dahan-dahan na din akong bumangon at nangamot ng mata.

Nagkatinginan ulit kami at parehong natawa.

Tumingin ako sa relo.

"Oh! 6am na!"

"Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong niya.

"Uh? Hm. Okay naman. Okay ka lang ba? Natulog ka ng nakaupo. Mahirap yun ah."

"Ayos lang."

"Oo nga pala. Pano ko napunta dito? Bakit nakahiga ako?"

Umiwas siya ng tingin.

"Ewan ko sayo." Sus. Halatang nagblush. Anong nangyayari sa kaniya? Psh.

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon