Chapter 80 - Stupid condition

178 8 0
                                    

Chapter 80 - Stupid condition

[Pauline's POV]

May mga napagkwentuhan pa kami tapos hinatid na din niya ko sa bahay.

Sobrang saya talaga ng araw ko.

"Hi Mom! Hi Dad!"

"Oh you're home! Hmm. Mukhang masaya ka talaga ngayong araw ah." -Mom

Ngumiti lang ako.

"Hindi mo na pinapasok dito si Devin?" -Dad

"Pinauwi ko na po. Gabi na din kasi eh."

"Congrats anak. You made it." -Mom

"Masaya talaga ko na, nabigyan ulit ako ng opportunity na makapagperform."

"Hm. Halata naman sayo eh." Biro ni Dad.

"So, the grad ball is coming. Are you excited?" -Mom

"Eh mukha nga pong mas excited pa kayo eh. Hindi ko alam na matagal niyo na palang pinagawa yung isusuot ko." I smiled.

"Oo naman! Finally after so many years of hardships, gagraduate ka na din ng college. We're so proud of you my dear." -Dad

I smiled.

The next day.

After nung first class, tinawagan ako nung bodyguard na inutusan ko.

"What?"

"Mamayang hapon na po namin gagawin yung inuutos niyo Ms. Pauline."

"Good. Tandaan niyo yung sinabi ko ah, wag niyo siyang sasaktan, gusto ko lang naman na takutin niyo siya."

"Yes young mistress."

"Sige. Balitaan mo na lang ako."

"Opo." Pagkababa ko.

"Uy ano yun? Anong wag sasaktan? Sino ba yung kausap mo?" -Donna

"Ano ba yun?" -Cheska

"Wala yun. I just want to teach her some lesson."

"Sino? Si Sasha?" -Cheska

"Ohmygod. Ayan na ba yung sinasabi mo? Ayos yan! Sana nga matuto na siya!" -Donna

I smirked. Siguro naman magtatanda na talaga siya.

Wala na kaming masyadong ginagawa dahil nga malapit na yung graduation. Puro kwentuhan na lang at kulitan.

Mamimiss ko din yung buhay estudyante!

Ang pinag-kakaabalahan naman namin ngayon, tapusin lahat ng requirements at magpapirma sa mga professors.

Lumabas muna ko ng classroom para magCR.

Napatingin ako sa garden at nakita ko dun si.. Devin at Sasha? Oo sila nga! Lumapit ako pero hindi ako nagpakita.

"Oh bakit? Anong gagawin mo ha? Sasaktan mo ko? Kaya mo?" -Sasha

"Pano kapag sinabi kong kaya ko?"

O__O

Umaatras kasi si Sasha at nung nabangga siya sa pader, biglang parang sinuntok ni Devin yung pader sa tabi ng mukha ni Sasha. Nagulat din tuloy ako!

Nakakatakot siya. Nakakatakot talaga.

Napatulala na lang ako at hindi na din ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon