Chapter 31 - Bakit ba ko affected

273 7 0
                                    

Chapter 31 - Bakit ba ko affected

[Pauline's POV]

Hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag.

Pero nasasaktan ako.

Nasasaktan ako. :(

Parang may kumukurot sa puso ko ngayon at hindi ko namamalayan yung pagtulo ng mga luha ko.

Naiinis ako sa sarili ko.  BAKIT BA KO NAGKAKAGANITO?!

Anong nangyari sa kanila? Nagkabalikan nga kaya sila?

Nagpunas na ko ng luha at tumakbo palayo. May mga nabangga pa ko pero hindi ko na din pinansin.

Pumunta ko sa field at umupo sa bench.

Pinigil ko na yung pag-iyak ko.

Ano bang nangyayari sakin? Ngayon na lang ulit ako umiyak dahil sa lalaki--bukod nung kay Kris.

AT SI DEVIN PA ANG DAHILAN.

Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari sakin. UUGGH! NAIINIS AKO!! >_<

Sabi ko naman kasi eh. Mali talaga na magkagusto sa lalaking yun.

TEKA BAKIT BA KO-- Ugh. -__-

"Pauline?"

Lumingon ako. Si Gian pala.

"Anong ginagawa mo dito mag-isa?"

"Oh. Hi Gian." *Sniff*

"Wait. Umiyak ka ba?"

"Ako? Ha.ha.ha. Hindi no! Bakit naman ako iiyak. Sinisipon lang ako. Seryoso."

"Eh bakit mag-isa ka dito? May nangyari ba?"

"Wala. Vacant kasi namin. Wala akong magawa. Eh yung dalawa kasama yung boyfriend kaya ito, naiwan akong mag-isa."

"Bakit hindi ka sumama sa kanila?"

"Sinasama nga nila ko pero ayokong sumama. Ayokong makasira ng moment. Uh. Sige. Mauna na ko."

"Huh? Agad? Wait--"

"Bye!"

Naglakad na ko pabalik ng classroom. Nanghihina ako dahil masama yung pakiramdam ko at dinagdagan pa ng nakita ko.

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon