Chapter 74 - Taxi

171 3 0
                                    


Sorry dahil natagalan ang update. Pero dahil nakauwi na ko, back to normal na ulit! Salamat sa pagbabasa at paghintay ng update kahit matagal! :)

Xoxo, SooRinn

Chapter 74 - Taxi

[Pauline's POV]

After nga ng rehearsals, sinundo na ko ni Devin at hinatid sa bahay. Nagstay muna siya para magmerienda.

Wala pa dito sina Mom at Dad. Nasa GU pa sila may inasikaso yata. Hindi ko naman sila nakita dun kanina.

"Devin."

"Oh?"

"Kanina, nakita ko si Kris at yung mga kaibigan niya."

"Oh?"

"Kagaya niyo, madami din silang sugat. Ang sabi niya gawa din to ng mga yun."

"Nag-usap kayo?"

"Oo pero konti lang. Ang sabi niya, unahan daw ang black rose at Les Mechant sa pagtalo sa grupong yun."

"Tss. Naisip niya pa yun ah."

"Nabanggit din niya na ayaw nilang makipagkampihan sa inyo. Sabi ko naman, ayaw niyo din naman nun 'no."

"Hindi talaga ko papayag. Bakit naman kami makikipagtulungan sa mga yun."

"Para.. tumigil na yung gulo? Para kayong dalawang grupo na lang ulit? Diba mas okay yun?"

"Sinasabi mo ba sakin na magandang ideya na magtulungan ang black rose at Les Mechant?!"

"Naisip ko lang naman! Pare-pareho lang naman kayong apektado. Baka sakaling matalo niyo sila. Pero alam ko namang hindi kayo papayag. Kaya wag na lang."

"Hindi talaga."

"Kahit na.. ayun yung pinakamabisang paraan?"

"Matatalo namin sila nang hindi tumutulong ang Les Mechant, okay? Hindi namin sila kailangan."

"Sabi mo eh."

Ma-pride talaga 'tong taong to oh.

"Sabagay. Kasi kung magkakampihan kayo, baka wala ding mangyari kasi baka mag-away-away lang kayong lahat." Sabi ko tapos tumango siya habang umiinom ng lemon juice.

"Oh Devin! Nandito ka pala!" Dumating na sina Mom at Dad at binati namin sila.

"Oh ano nanamang nangyari sayo?" -Mom

"Ah. Wala po 'to. Medyo.. napaaway lang."

"Napaaway ka? Okay ka lang ba?" -Mom

"Ayos lang po."

"Hindi talaga maiiwasan sa mga lalaki ang mapaaway. Natural lang yan." -Dad

Ugh. Tama. Natural para sa kagaya niya. At hindi nga yun maiiwasan para sa kagaya niya. Hahaha!

Ngumiti lang si Devin.

"Pinagamot mo na ba yan?" -Mom

"Ginamot po ni Pauline."

"Talaga? Ooh. Mabait talaga 'tong anak ko. Alagaan niyo ang isa't-isa para tumagal ang pagsasama niyo okay?" -Mom

We smiled.

"By the way Devin, we met your Dad yesterday at inimbitahan namin siyang magdinner kaya lang medyo busy siya ngayon kaya hindi pa siya makakapunta sa ngayon. Mukhang madami siyang ginagawa ah." -Dad

"Ahh.. busy talaga siya lagi."

"Mukhang nagmemerienda na kayo. Magpapahanda pa ko ng marami." -Mom

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon