Chapter 15 - Bakit nga kaya?

407 10 0
                                    

Chapter 15 - Bakit nga kaya?

[Gian's POV]

WOW.

Si Devin?

Seryoso ba to?

Nagulat talaga ko nang makita kong ginagamot niya yung sugat ni Pauline. Lalo naman akong nagulat nang nalaman ko na ginawa niya yung three good deeds na yun para lang magkaayos sila.

Hindi ganun ang kilala kong Devin. Nung huli ko siyang nakitang ganyan, sila pa ni Criselle.

Ano kayang nangyayari sa kaniya? Hindi kaya...

"Nasan si Pauline?" -Max

"Nandun sa sala. Nakatulog na."

"Dude. May napapansin ka ba kay Devin ha?" -Sef

"Oo nga. Parang may iba sa kaniya nitong mga nakaraang araw." -Lem

"Ngayon ko na lang siya ulit nakitang ganyan." -Gary

"Hindi kaya may gusto si boss kay Pauline?" -Tom

"Oo Oo! yun nga din yun nasa isip ko eh!" -Max

"Eh pare-pareho lang pala tayo ng iniisip eh."

"Naku. Kung ganun nga, lagot na." -Rod

"Oo. Siguradong mas mahirap."

"Bakit naman?" -Jec

"Hindi sila dapat magkagusto sa isa't-isa dahil pareho silang mahihirapan kapag nalaman ni Pauline yung totoo."

"Oo nga. Lalong gugulo pag nagkataon. Hindi pwede yun." -Max

"Eh pano naman natin malalaman kung may gusto nga talaga si Devin kay Pauline?" -Lem

Pano nga ba.. ah!

"Alam ko na! Alam naman nating lahat na seloso si Devin diba?"

Nagtinginan at nagngitian lang kami at alam na namin kung anong gagawin namin. Tama. Malalaman namin kung totoo yun.

"Pero kung makumpirma natin, ibig sabihin nun kailangan natin silang paglayuin. Mahirap na." Gary

"Hindi. Wala tayong kahit na anong dapat gawin. Hayaan na lang natin sila. Sigurado naman ako na.. matatapos din yan eh."

"Oo nga. Saka baka wala namang gusto si Pauline kay Devin dahil inis na inis nga siya kay boss diba?" -Jec

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon