Chapter 89 - History repeats itself

151 3 0
                                    

Chapter 89 - History repeats itself

[Devin's POV]

Natapos na yung mga tests at nasalinan na din ng dugo si Pauline.

"Dad."

"Hm?"

"Thank you."

"That's nothing. Masaya ko na.. natulungan kita at si Pauline. Basta, palagi niyong alagaan ang isa't-isa."

"Mrs. Gracia, thank you din po." Gracias, Mrs. Gracia. Get that? Lol nevermind.

"You're welcome." She smiled.

Dumating naman si Auntie Sabelle at niyaya silang magkape para makapagpasalamat kaya naiwan ulit ako dito.

"You'll be okay right? Please wake up, Pauline. I miss you so much."

"Ah.. Hi devin." Si Criselle. Bigla siyang dumating at umupo sa tabi ko.

"Ikaw lang ba mag-isa? Nasan sila?"

"Sina Donna at Cheska kumain lang. Si Auntie Sabelle kasama si Dad at si Mrs. Gracia, yung nagdonate ng dugo para kay Pauline."

"Woah really? Nasalinan na ng dugo si Pauline?"

"Hm."

"Hay. That's good to hear. Buti naman. Sana.. magkamalay na din siya."

"I didn't expect Dad would do that for Pauline."

"I'm sure it's not just for Pauline. It's also for you."

"Siguro nga."

"Okay ka na ba ngayon?"

"Hindi pa din ako tuluyang magiging okay hangga't hindi pa din siya nagkakamalay."

Sandali kaming natahimik tapos nagsalita ulit ako.

"You know what, I feel like.. it's happening again."

"Anong happening again? Hindi ka iiwan ni Pauline. Sigurado ako na, hindi niya gagawin kung ano man yung ginawa ko. Pinangako niya sakin na, ipaglalaban ka niya. Saka, hindi yun mauulit. Diba botong-boto nga sayo yung family niya? Oh eh bakit naman nila kayo paghihiwalayin tulad ng ginawa satin."

"Oo nga. Sa tingin ko hindi ko dapat isipin yun."

"Nago-overthink ka lang. Wag mo nang masyadong isipin yun. Si Kris, talagang wala siyang ibang gusto kundi ang pabagsakin ka. Sobra na talaga siya. Sana pagkagising ni Pauline, masampahan siya ng kaso."

"Pagkatapos ko siyang pahirapan."

"By the way, nakita mo na ba si Sasha?"

"No bakit?"

"Wala lang. Tss. Baka nga masaya pa siya sa mga nangyayari ngayon."

"I don't want to see her if she's just going to make me feel guilty."

"Oh Hi--Oh nandito ka pala Criselle." -Cheska

*Gian calling...*

"Excuse me."

Lumabas muna ko para sagutin yung phone.

"Oh bakit?"

"Pupunta si Kris diyan sa ospital. Narinig ko silang nag-uusap kanina."

"What?!"

"Abangan mo siya Devin. Wag mo na siyang hayaang makapasok diyan."

"Ugh. Ang kapal naman ng mukha ng gag^ng yung para pumunta pa dito pagkatapos ng ginawa niya. Naghahanap talaga siya ng sakit sa katawan ah."

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon